Home NATIONWIDE 12 bagong EG.5 cases ng Omicron naitala

12 bagong EG.5 cases ng Omicron naitala

MANILA, Philippines -Mayroon nang 12 kumpirmadong kaso ng COVID-19 Omicron sub-variants EG.5 sa bansa, sinabi ng Department of Health (DOH).

Batay ito sa DOH bio-surveillance report mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1.

Ang subvariant ng Omicron ay itinuring ng World Health Organization (WHO) bilang isang “variant of interest.”

Ang naturang mga kaso ay iniulat na mabilis na kumalat sa US, China, South Korea, Japan, at Canada, ngunit sinabi ng WHO na hindi ito nagdulot ng higit na banta sa kalusugan ng publiko kaysa sa iba pang mga variant.

May kabuuang 132 na bagong impeksyon ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas nitong Miyerkules, Agosto 9, na nagdala sa nationwide caseload na 4,147,101.

Bumaba sa 3,399 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang nasa 66,643 ang namatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden