Home ENTERTAINMENT Paolo, may hamon sa mga marites!

Paolo, may hamon sa mga marites!

3
0

Manila, Philippines – Naurot si Paulo Avelino hinggil sa diumano’y pagbubuntis ng love team partner niyang si Kim Chiu.

Nabibitin kasi ang mga tao hinggil sa preggie issue ng chinita actress.

Abangers din kasi ang mga nagmamaldita kung may aaminin o aakuin sa Pau.

Makahulugan naman ang naging tugon ng aktor nang uriratin tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa umano’y interesting stage ni Kim kung saan siya ang itinuturong ama.

Aniya: “Speculations are speculations until proven so tignan na lang natin.”

May nang-iintriga rin kung bakit di kasama si Kim sa pagtanggap ng award ni Paulo considering na siya ang mega-push na nag-engganyo sa kafaneyan para iboto si Pau.

Dahil sa development na ito, umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Ito ang ilan sa kanyang hirit.

“Ay, bakit tignan natin. May dare si Pau.”

“Puwede namang oo o hindi pero walang confirmation o denial.”

“Mukhang may bahid ng katotohanan.”

“Ba’t solo si Pau. Di ba dapat kasama niya si Kim pagtanggap ng award. Saan na ang KimPau spirit.”

“Oo nga. Di ba si Kim ang mega-push para manalo ang dyowa niya.”

“At ikinampanya pa niya na iboto si Pau.”

“Ba’t nga iniwan ni Kim sa ere si Papa?”

“True kaya na nasa interesting stage si gurl.”

“Sey ni Paulo, alam daw niya kung nasaan si Kim at kung gaano ka-busy. O,di ba galawang magdyowasa na.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here