Home METRO Parak utas sa tandem

Parak utas sa tandem

233
0

RAMON, Isabela – Halos naliligo na ng sariling dugo na wala nang buhay ang isang pulis nang madatnan ng kanyang kabaro nang pagbabarilin ng riding in tandem sa isang Drying Pavement sa Purok 3, Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktimang si PMSgt. Mario Lopez Jr., na nakatalaga sa San Agustin Police Station, may-asawa at residente ng Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.

Inakala umano ng ilang residente sa lugar na testing fire ang kanilang narinig na sunod-sunod na putok ng baril at ikinagulat ang pagkakaroon na ng maraming pulis sa lugar pagkatapos ng alingawngaw ng baril.

Ayon kay PMaj. Ranilo Bumagat, hepe ng San Agustin Police Station ay wala umanong nakaaway ang biktima dahil sa tuwing naka-off duty ay agad umanong umuwi sa kanyang pamilya at bumibili ng mais bilang traders.

Sa isinasagawang imbestigasyon ng mga kasapi ng Ramon Police Station at Scene of the Crime Operative o SOCO ay umabot sa higit 10 piraso ng hindibpa mabatid na bala ng baril.

Dahil dito, agad na naglabas ng direktiba si PMaj. Jay-ar Olya-on, Hepe ng Ramon Police Staion ng masusing imbestigasyon sa pamamaslang sa biktima. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here