MANILA, Philippines – Isang lalaking pasahero ang binaril sa dibdib ng mga awtoridad sa Iloilo International Airport sa Cabatuan, Iloilo nitong Miyerkules matapos siyang mahuli na may dalang bladed weapon, ayon sa Department of Transportation’s Office for Transportation Security (OTS).
Ayon sa OTS, isang security screening officer ang nakapansin ng ipinagbabawal na bagay sa bag ng pasahero kaya sinagawa ang secondary screening.
Ayon sa ulat, inagaw ng pasahero ang kanyang bag mula sa X-ray machine at tumakas nang hilingin siyang sumailalim sa manual inspection. Pagkatapos ay nakuha niya ang bladed weapon, na nagdulot ng agarang aksyon mula sa pulisya.
“Personnel of the Philippine National Police promptly intervened and undertook appropriate action to prevent possible injury to surrounding passengers and airport personnel. In the course of this response, the passenger was shot in the chest. He was subsequently brought to the hospital for medical attention,” ayon sa OTS.
Patuloy ang imbestigasyon ng OTS sa insidente kasabay ng koordinasyon sa mga awtoridad sa paliparan at mga ahensya ng pagpapatupad ng batas. Mary Anne Sapico