Home OPINION PASASAAN BA’T MASASAKOTE KA RIN QUIBOLOY!

PASASAAN BA’T MASASAKOTE KA RIN QUIBOLOY!

KINAKAILANGAN pa talaga ng modernong kagamitan ang Philippine National Police para tuluyan nang masakote itong si self-proclaimed Son of God na si Apollo Quiboloy sa kanyang teritoryo sa Kingdom of Jesus Christ  compound sa Davao City kaya ramdam na, bilang na ang mga araw mo pastor!

May mga napaulat na umano’y may ‘bulto-bultong pera’ si dating Pangulong Digong Duterte na nakatago raw sa bunker na pinagtataguan ngayon ni Quiboloy sa compound.

Siyempre, haka-haka lang ‘yan pero may konting pagsususpetsa pa rin tayo dahil kapansin-pansin ang matinding pagbibigay-proteksyon ng mga Duterte sa kalagayan ni Quiboloy sa halip na pakiusapan nila ito na sumuko na lang at harapin ang batas kung totoo na inosente siya sa mga sandamakmak na akusasyon laban sa kanya.

Si Quiboloy ay may mga arrest warrant sa dalawang korte sa bansa, siya ay kinasuhan ng panggagahasa at qualified human trafficking, na parehong walang piyansa, ilan lang yan.

Kahit sa Senado, may kinakaharap din siyang kaso hinggil na rin sa umano’y pangmomolestya sa ilang kababaihan ng miyembro ng KOJC.

Heto pa, may sabi-sabi rin na bago magtago si Quiboloy, nakitang magkasama sila ni Digong at ng ilang politikong kaalyado sa isang restoran sa Davao.

Ang mga kaso laban kay Quiboloy ay isinampa noong termino pa ni Duterte pero hindi umusad sa husgado lalo sa Department of Justice, obviously, kasi mga kaalyado ang nakapwesto.

Nang matapos ang termino ni Digong noong 2022, doon lamang gumalaw ang kaso at nahatulan ng ‘guilty’ ang mailap na si Quiboloy.

Bukod sa mga kaso ni Quiboloy sa ating regional courts, wanted din siya sa Amerika dahil din sa mga kasong rape, human trafficking, fraud at dollar smuggling.

Ito siguro ang rason kaya tinutulungan ng Federal Bureau of Investigation ang PNP para maaresto si Quiboloy dahil sa mga kinakaharap na kaso nito sa Estados Unidos.

Ang mga kaalyado naman nito tulad ng mga Duterte at ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay ginagawa ang lahat para maharang ang mga operasyon ng pulisya kahit na sila’y lumalabag na sa  ‘obstruction of justice’

Sabi nga ng ilang netizens, “ang galing-galing magprotekta ng mga Duterte at ni Bato sa mga kaibigan nilang kriminal pero no-talk sa mga ginagawa ng China na pagbangga sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea, tapos sasabihin nila makabayan sila?