HINDI naging magarbo ang pagdiriwang ng Christmas Party ng National Capital Region Police Office Press Association o NCRPOPA na simpleng ginanap sa harapan lang mismo ng tanggapan nito sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Parang nakiisa lang ang grupo sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na simplehan lang ang paggunita sa diwa ng Pasko dahil marami sa mga kababayan natin ang hindi magiging masaya ang pagdiriwang dahil sa pinagdaanang kalamidad noong mga buwan ng Setyembre, Oktubre at Nobyembre.
Nagdaos man ang NCRPOPA ng Christmas Party ay hindi naman nito nakalimutan na mamahagi ng kaunting nakayanang mga pampasaya sa may 100 bata na ang kanilang ina ay nasa piitan.
Sa pagdaraos naman ng kasayahan, bagaman may konting gusot dahil dumating ang pagkain ay bandang 6:45pm na kahit 2p.m. pa lang ay nagpapabook na para madala sa Bicutan ay naging maayos pa rin. Salamat kay Anjeanette Niña Bascuguin sa pagmamagandang-loob na madala ang pagkain bagaman may dalawang alagang bata. (Hello Achilles Matthews at Alejandro Gabriel).
Sa mga miyembro ng NCRPOPA na nakiisa sa gift-giving maraming salamat – Irwin and Vilma Corpuz, Archie and Virnalyn Amado, Vick Aquino, Ethel Genuino, Gina Plenago, Justin Gildo at Paulo Flores. Siyempre, salamat din sa aking hubby -Fekry Dewidar, na walang sawa sa pag-alalay, pagtulong at pag-unawa sa inyong Pakurot na nakasanayan na ang pagbibigay ng kasiyahan sa mga bata, Pasko man o hindi.
Salamat kay PCol Bogard B. Arao, hepe ng Regional Headquarters Support Unit, dahil sa mabilis niyang pagpapasaayos ng aming party place kung saan nagpalagay siya ng napakalaking tent, mga mesa at silya. Naging masaya ang party ng Press Association dahil sa pagtutulong-tulong ng mga miyembro sa pagsasaayos ng lugar.
Hindi talaga kailangang maganda at mamahalin ang lugar para lang maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko. Pagtitinginan at samahan ng mga miyembro ang magdadala ng saya sa okasyon. Salamat sa pagdalo Dragon Lady Amor Virata.
Simpleng mga palaro o parlor games ay naging masaya ang lahat. Masiyahan sila dahil masarap ang pagkain at may lechon na ipinagkaloob sa grupo ang Government Service Insurance System. Maraming salamat muli.
Walang umuwing luhaan dahil may mga regalo mula kay Henson Wang, isang kaibigan ng grupo. Lahat may uwing raffle prizes at syempre may red envelope. Salamat din sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa ipinagkaloob na gift certificates.
Salamat sa mga sumuporta sa grupo. Sa susunod na column ay iisa-isahin natin ang mga nagbigay ng suporta sa NCRPOPA.
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!