SULTAN KUDARAT, Maguindanao Norte – Nakatakas sa mga awtoridad ang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa kasong kidnapping at arson, pero nasa 10 sa kanyang mga kasabwat ang arestado sa operasyon ng pulisya sa Barangay Macaguiling nitong Lunes ng hapon, Mayo 13.
Sinabi ni Lt. Colonel Ariel Huesca, regional head ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) ng pulisya, na nagawang makatakas ni Musa Alamada, alyas “Commander Paradise,” sa pamamagitan ng pagdakip sa isang batang na ginamit niya bilang human shield.
“Ginamit niya ang bata bilang human shield habang siya ay patakas patungo sa likurang bahagi ng isang mosque,” sabi ni Huesca sa isang panayam sa radyo.
Ang naarestong 10 kasabwat ni Alamada ay nakuhanan naman ng matataas na kalibre ng baril.
May P1.2 milyong pabuya sa ulo si Alamada, dagdag pa ng awtoridad. RNT