Home METRO Paslit natusta sa kandila, ate lapnos katawan sa Bacolod

Paslit natusta sa kandila, ate lapnos katawan sa Bacolod

208
0

BACOLOD CITY — Nalitson nang buhay ang isang 2-anyos na batang babae habang lapnos naman sa katawan ang tinamo ng kanyang 4-anyos na kapatid matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay na umano’y nagmula sa napabayaang nakasinding kandila, Sabado ng gabi sa lungsod na ito.

Ang mga biktima ay kapwa residente ng Purok Active, Barangay Mandalagan, sa nasabing lungsod.

Ayon kay Fire Supt. Jenny Mae Masip, city fire marshal, naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng gabi noong Mayo 24, 2025.

Batay sa imbestigasyon, tanging ang apat na magkakapatid—kabilang ang isang 14-anyos na binatilyo at dalagita—ang nasa bahay nang mangyari ang sunog. Ang kanilang ina ay nagtatrabaho bilang caregiver sa ibang lugar, habang ang ama naman ay nasa Iloilo City na nagtatrabaho sa sakahan.

Umalis ang dalawang nakatatandang kapatid upang dumalo sa pista sa kanilang lugar at iniwang natutulog ang dalawang mas nakababatang kapatid.

Ayon sa ulat, kandila lamang ang gamit na ilaw sa bahay at naiwan itong nakasindi sa ibabaw ng plastic drawer, na pinaniniwalaang pinagmulan ng apoy.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa insidente, ngunit mabilis na natupok ang bahay dahil ito ay gawa lamang sa magagaan na materyales.

Tinatayang nasa P4,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here