Home HOME BANNER STORY Patay kay Egay, Falcon at Habagat, 29 na – NDRRMC

Patay kay Egay, Falcon at Habagat, 29 na – NDRRMC

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 29 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Egay, pinalakas na habagat at bagyong Falcon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Agosto 4, ang mga nasawi ay nagmula sa Ilocos, Western Visayas, Davao at Cordillera Administrative Region.

Sa kabuuang iniulat na fatalities, tanging dalawa lamang ang kumpirmado habang ang nalalabing 27 ay “for validation” pa.

Labing-isang indibidwal naman ang nawawala pa rin.

Samantala, tumaaas naman sa 165 mula sa 140 ang bilang ng mga nasaktan dahil sa masamang panahon.

Nasa 3,028,040 naman ang bilang ng apektadong mga indibidwal o katumbas ng 805,621 pamilya mula Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Bangsamoro, Cordillera, at Metro Manila.

Sa apektadong populasyon, nasa kabuuang 57,226 katao o 15,473 pamilya ang nananatili pa rin sa 648 evacuation centers habang 229,831 indibidwal o 57,000 pamilya ang namamalagi sa mga kamag-anak o kapamilya.

Kabuuang 56,694 tirahan ang napinsala ng bagyo at habagat, 54,406 ang partially damaged at 2,288 naman ang totally damaged.

Nakataas naman ang state of calamity sa 232 lungsod at munisipalidad dahil sa epekto ng habagat. RNT/JGC

Previous articleInflation bumagal pa sa 4.7%
Next articleJose, may pasaring sa Nigerian co-host, dapat daw sitahin ng MTRCB!