Home ENTERTAINMENT Jose, may pasaring sa Nigerian co-host, dapat daw sitahin ng MTRCB!

Jose, may pasaring sa Nigerian co-host, dapat daw sitahin ng MTRCB!

Manila, Philippines- May kasabihan ngang “No one is above the law.”

Dapat ay walang sinisino ang batas, ke sino ka pa, antas o katayuan sa buhay.

Ang umano’y pagsibasib ni Tito Sotto sa asawang si Helen Gamboa sa 44th anniversary episode ng E.A.T. ay hindi pinalampas ng ilang netizens.

Dapat ay may aksyon ding gawin ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB following its action against It’s Showtime hosts Vice Ganda and Ion Perez.

Ang anak nina Tito at Helen na si Lala ang kasalukuyang MTRCB Chair.

Pero ayon sa kanya, 44 years na raw ginagawa ‘yon ng kanyang mga magulang, hence, walang isyu roon.

This time around, hindi pinalampas ng mga mapanuring netizens ang umano’y racist remark ni Jose Manalo sa Sugod Bahay Kapatid segment ng E.A.T.

Sa viral video clip sa X (dating Twitter), kasama ni Jose si Wally Bayola at ang bagong Dabarkads na si Tugue Zombie.

Si Zombie, Daniel Oke sa tunay na buhay, ay isang Nigerian content creator.

Ang pagbitiw ni Jose ng: “Pag napanalunan mo sa bingo ‘yan, ang tawag diyan ‘blackout’.”

Si Bossing Vic Sotto na nasa split screen ay walang reaksyon.

Pero mapapansing tila na-off sina Paolo Ballesteros at Miles Ocampo na nasa studio rin.

Napa-“Huy!” pa nga si Paolo at maging ang pag-“Huy!” din ni Allan K ay nabasa sa kanyang bibig.

Dahil dito’y pinalagan ng ilang netizens ang racist remark ni Jose.

Kinakalampag din ng mga ito ang ahensyang pinamumunuan ni Lala Sotto na aksyunan ang nasabing kaso.

Inaantabayan ang depensa ni Jose sa naturang paratang sa kanya. Ronnie Carrasco III