Home HOME BANNER STORY Inflation bumagal pa sa 4.7%

Inflation bumagal pa sa 4.7%

MANILA, Philippines – Bumagal pa sa 16-month low ang headline inflation nitong buwan ng Hulyo sa 4.7% mula sa 5.4% noong Hunyo, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Agosto 4.

Sa briefing, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa mas mababa rin ng 6.8% ang headline inflation sa nasabing buwan mula sa kaparehong buwan noong 2022, at pinakamababa mula sa 4% na naitala noong Marso 2022.

Ang core inflation, hindi kabilang ang volatile oil at food items, ay bumaba rin sa 6.7% mula sa 7.4% noong Hunyo.

“The slower annual increment observed in the heavily weighted food and non-alcoholic beverages at 6.3 percent in July 2023 from 6.7 percent in the previous month also contributed to the downward trend of headline inflation,” paliwanag ni Mapa.

Nanatili naman sa 6.8% ang headline inflation sa year to date basis, habang ang core inflation ay nasa 7.6%.

Samantala, nanatili naman sa 5.6% ang inflation sa National Capital Region (NCR).

Bumagal naman ang inflation sa mga lugar sa labas ng Metro Manila sa 4.4% mula sa 5.3% noong Hunyo. RNT/JGC