VIETNAM – Umakyat na sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa pagbaha at landslide dahil sa malalakas na pag-ulan sa cenrtal Vietnam.
Kasabay nito ay mayroong 13 nawawala ayon sa disaster agency ng bansa nitong Sabado, Nobyembre 22.
Ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa central Vietnam ay umabot sa 1,900 mm sa nakalipas na linggo.
Halos kalahati sa bilang ng mga nasawi ay mula sa Dak Lak province kung saan 27 ang namatay, habang mayroon namang 14 ang nasawi sa Khanh Hoa province.
Tinatayang nasa 8.98 trillion dong o $341 million ang nawala sa ekonomiya ng Vietnam dahil sa malawakang pagbaha.
Mahigit 235,000 tirahan ang nalubog sa baha at 80,000 ektarya ng taniman ang napinsala. RNT/JGC