Home NATIONWIDE Patay sa Pakistan suicide bombings, 60 na!

Patay sa Pakistan suicide bombings, 60 na!

Quetta, Pakistan- Nasa 60 indibidwal ang patay kasunod ng suicide blasts sa southwestern Pakistan city Mastung nitong Biyernes, ayon sa Media Coordinator ng Health Department ng Balochistan province ng Pakistan nitong Sabado.

Sugatan naman ang 50 sa pagsabog sa isang religious procession sa Mastung district ng southwestern Balochistan province, base kay Assistant Commissioner Atta Ul Munim.

Makalipas ang ilang oras, naganap ang isa pang pagsabog sa Friday prayers sa isang mosque malapit sa Peshaway City sa northwestern Khyber Pakhtunkhwa province, na kumitil sa apat na indibdiwal at nag-iwang sugatan sa 11. Dahil sa pagsabog, gumuho ang bubong ng mosque, subalit hindi pa matukoy kung ilang indibidwal ang naiwan sa loob.

Wala pang grupo ang umaako ng responsibilidad sa dalawang pagsabog, na naganap sa restive period sa Pakistan, sa gitna ng militant attacks bago ang general elections sa Enero.

Naganap ang unang pagsabog sa Mastung. Base sa video na ibinahagi ng lokal na residente,  dose-dosenang indibidwal ang nagtipon upang gunitain ang kaarawan ni Prophet Mohammad, bago ang malakas na pagsabog sa prusisyon.

Kinumpirma ni Ul Munim na isa itong suicide attack, at sinabing isang senior police officer – na nasawi sa pagsabog – ang target.

Inilipat ang mga kritikal na nasugatan sa mga ospital sa Quetta, habang ginagamot ang iba sa local hospital sa Mastung, aniya.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga biktima.

Mariing kinondena ni Pakistan’s caretaker Prime Minister Anwar-ul-Haq Kakar ang pag-atakae.

“The Prime Minister expressed his condolences to the families of those who died in the blast,” pahayag ng kanyang opisina. “Prime Minister’s prayers for forgiveness for the deceased and patience for the families.”

Samantala, naiulat ang ikalawang pagsabog sa Khyber Pakhtunkhwa province, makalipas lamang ang ilang oras. Sinabi ng mga pulis na dalawang lalaki sakay ng bisikleta ang nagsimulang magpaputok sa kanilang mga tauhan sa labas ng Hangu mosque, bago pasabugin ang buong gusali.

Isa sa mga umatake ang nagpasabog malapit sa pasukan ng mosque, habang pinasabog naman ng isa sa loob ng gusali ang bomba, ayon kay local police officer Saaleh Muhammad. RNT/SA