Home NATIONWIDE Patay sa road traffic incidents noong holiday season, umakyat sa 8

Patay sa road traffic incidents noong holiday season, umakyat sa 8

MANILA, Philippines – Isa pa ang nadagdag sa bilang ng nasawi dahil sa road traffic incidents noong holiday season na nagdala sa kabuuang bilang na walo, sinabi ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes, Enero 6.

Sa mga nasawi, sinabi ng DOH na lima ang sangkot sa aksidente sa motorsiklo.

Sa kabuuang kaso ng road traffic incidents ay base sa datos mula sa walong pilot sites ng DOH mula Disyembre 2, 2024 hanggang Enero 6, 2025, na umabot sa 703.

Nasa 47 kaso ang naidagdag sa tally ngayong Lunes.

Karamihan sa mga indibidwal o 603 mga kaso ay kinasasangkutan ng aksidente na hindi pagsusuot ng safety accessories tulad ng helmet habang 497 ng kabuuang insidente ay sangkot ang motorsiklo.

Mayroong 127 kaso na natuklasang nakainom ng alak nang mangyari ang insidente.

Nauna nang sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na kinansela ang kabuuang 984 drivers license noogn nakaraang taon dahil sa mga paglabag na karamihan ay dahil sa paglabag sa pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak. Jocelyn Tabancgura-Domenden