SINANG-AYUNAN ni Vice President Sara Duterte ang “assumption” ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, na isang drug addict o durugista si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“I agree with fractured governance. I agree with the assumption that he’s a drug addict because he continuously refuses to do a drug test,” ang sinabi ni Digong Duterte sa isang panayam sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.
Ito ang reaksyon ni VP Sara sa naging pahayag ng kanyang ama at tinawag na drug addict si Pangulong Marcos at hamunin ang military na protektahan ang Konstitusyon.
“Hanggang kailan kayo mag suporta ng drug addict na presidente?” ang sinabi ni Digong Duterte.
Sa ulat, ito ang kauna-unahang pagkakataon na idinawit ng Duterte patriarch si Marcos sa ilagel na paggamit ng droga.
Enero ng taong kasalukuyan, hinamon ni Digong Duterte si Pangulong Marcos na sumailalim sa drug test sa harap ng publiko para patunayan sa publiko na hindi siya durugista o drug addict. Matatandaang tinawag ni Digong Duterte si Pangulong Marcos na ‘bangag”
Samantala, itinanggi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang alegasyon na ito laban sa Pangulo at itinatag rin niya na kasama si Pangulong Marcos sa watch list.