Home NATIONWIDE PBBM: Disaster response ng NDRRMC, LGUs, iba pang gov’t agencies dapat ‘scientific,...

PBBM: Disaster response ng NDRRMC, LGUs, iba pang gov’t agencies dapat ‘scientific, innovative’

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat na ibase sa science-based innovation ang disaster response ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“It has become imperative that our Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) system undergoes continuous improvement to address evolving circumstances. It includes our individual obligation to follow proactive, vigilant, and adaptable strategies for our own and our communities’ safety,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang 24th Gawad KALASAG National Awarding Ceremony sa Pasay City.

“I once again call on the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) and all other concerned agencies and the LGUs – our always our first responders –  to continue working together to develop innovative solutions that are science-based, that are sustainable, and are future-ready, and establish clear guidelines for more effective disaster-response,” dagdag na wika ng Pangulo.

Gayundin, sinabi ng Pangulo na ang inisyatiba para sa disaster response ay dapat na may gabay ng “Build Back Better” strategy sa “recovery, rehabilitation, at reconstruction.”

Sa kabilang dako, pinangunahan naman Pangulong Marcos ang pagbibigay ng Gawad Kalasag Seal at Special Awards for Excellence sa DRRM at Humanitarian Assistance.

Kinilala ng event ang iba’t ibang stakeholders para sa pag-implementa at pagsusulong ng DRRM, climate change adaptation, at humanitarian assistance programs, at maging ang pagkilala sa katapangan sakripisyo at kababaihan na ipinakilala ng mga indibidwal, grupo o institusyon bago, habang at matapos ang emergency situations na resulta ng natural o human-induced hazards.

“Courageous, compassionate, and determined—our selfless volunteers faced strong currents to rescue those in need; you are the innovators  who pioneered new technologies for disaster preparedness, organizations that championed people participation for a more [transformative] DRRM strategies, and decision-making that is ensured that every plan is done properly and is executed efficiently,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

Kabilang naman sa awardees ang mga estudyante na sina John Niño Suarez at Emer Jhune Donaire, na sa kabila ng walang sapat na pagsasanay sa water rescue, nagpamalas ng katapangan sa paggamit sa nasusunod na biktima.

“Tunay na kapuri-puri ang pinakita nilang tapang at karapat-dapat na tawagin sila bilang bayani,” ani Pangulong Marcos.

Bukod sa kanila, kinilala rin ng Pangulo si Rafael “Paeng” Valencia para sa kanyang naging ambag sa pamamagitan ng”’innovative policies, technological advancements, at transformative strategies” sa climate change at DRRM.

Kabilang na rito ang paglikha sa 911 On Call Incorporated; ang Pailaw at Pabahay Program para makatulong sa reconstruction o muling pagtatayo ng mga bahay sa “remote at poor areas.”

Pinangunahan din ni Valencia ang inisyatiba hinggil sa mobile vaccination sa mga liblib na barangay.

Nauna rito, tiniyak ng Pangulo na ang gobyerno ay “on top of the situation” sa gitna ng kamakailan lamang na pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon, kagyat na inilakas ng gobyerno ang  45,000 residente palayo mula sa  six-kilometer radius danger zone.

Target naman ng pamahalaan na ilikas ang 84,000 indibidwal, 11 araw bago ang Pasko. Kris Jose