Home NATIONWIDE PBBM, First Lady nagbigay ng ‘tips’ para sa pangmatagalang relasyon

PBBM, First Lady nagbigay ng ‘tips’ para sa pangmatagalang relasyon

MANILA, Philippines- Hindi lamang First Couple na maituturing sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos kundi sila ay “love gurus” din.

Kapwa ibinahagi nina Pangulong Marcos Jr. at Unang Ginang Liza ang kanilang galing bilang “love experts” sa kamakailan lamang na “Valentine’s Day” vlog ng Pangulo kung saan ay ibinahagi rin nila ang kanilang sikreto para sa malusog na relasyon na sulit kung tutularan ng nakababatang henerasyon.

Sa siyam na minutong Valentine’s Day special vlog ng Pangulo na “Ask Us Anything” kasama ang Unang Ginang bilang kanyang ‘special guest,’ kapwa sinagot ng mga ito ang random questions mula sa mga netizens at mula sa online community.

Tinanong kung paano balansehin ng Pangulo ang kanyang oras bilang asawa at Punong Ehekutibo ng bansa, sinabi ng Pangulo na palagi niyang tinitiyak na makapaglalaan siya ng ‘quality time’ kasama ang Unang Ginang sa kabila ng kanilang hectic schedules.

“Well, mahirap talaga ‘yung balanse dahil work takes up so much of our time. Well, hindi lang naman ako, pati si Liza marami talagang ginagawa. So, we try to find five minutes here, twenty minutes there, we eat together,” ayon sa Pangulo.

“Basta’t whatever the schedule allows, we take full advantage of it,” dagdag na wika nito.

At nang tanungin kung nag di-date pa rin silang dalawa, ang naging sagot naman ng Unang Ginang ay pinagluluto sila ng Pangulo sa bahay at kung may oras pa, mayroong silang “date night” tuwing Miyerkules kung saan kumakain sila sa isang restaurant na kanilang napili at “talk about funny things to lessen the stress.”

Isang mapagmasid na netizen naman ang nagtanong sa Pangulo tungkol sa kanyang paboritong proyekto ng Unang Ginang.

Ang mabilis na naging tugon naman ng Punong Ehekutibo ay “Lab for All” project ng Unang Ginang ang kanyang favorite project dahil nakatuon ito para sa mga less fortunate o mahihirap lalo na iyong mga nasa liblib na lugar kung saan walang kakakayahan ang mga tao roon na sumailalim sa medical check-ups.

“Napakadali niyan. ’Yung kanyang ginagawa, ‘yung ‘Lab for All’ na nagdadala sila ng bus na kung saan-saan para may laboratoryo sa loob. Maybe you can best describe it – it’s a very, very good project,” ayon sa Pangulo.

Ipinaliwanag ang proyekto, sinabi ng Unang Ginang na “every Tuesday, we go to a different province and the mobile van is there, and all the different agencies like DOH, TESDA, the different government agencies. But more important the private sector, they go there three days before and they give medical services which is part of their CSR.”

Ikinatuwa naman ng Unang Ginang ang dedikasyon ng mga ahensya ng pamahalaan na magbigay ng maraming oras at pagsisikap para mabigyan ang mga mahihirap ng medical services na kailangan ng mga ito.

“It’s really nakakataba ng puso because some are wearing crutches,” anito.

Hindi rin nakaligtas ang First Couple mula sa mga tanong ukol sa kani-kanilang mga “best qualities, kanilang love language, at kung paano sila magkaayos o magkabati kapag nagkakaroon sila ng tampuhan, away o argumento.

Sa best quality ng Unang Ginang ayon kay Pangulong Marcos, sinabi ng huli na gusto niya kung paano siya at kanilang mga anak na sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander, Joseph Simon at William Vincent ay alagaan ng Unang Ginang.

“She really, really, really takes care of us – the family, ako, at ‘yung tatlo naming anak. And she – hindi papayag si Liza na may problema, aayusin niya kaagad at you always know that she has your back,” ayon sa Pangulo.

“Sweet,” ang naging tugon naman ng Unang Ginang.

Para sa Pangulo, sinabi naman ni Unang Ginang Liza na ang pinakagusto niya sa Pangulo ay ang kabaitan nito at ang selfless love at dedikasyon sa Pilipinas at sa mga mamamayang Filipino.

“I always tell people, for someone so intelligent, you’re so kind, Bong. So patient, so mabait, always sees the good qualities in people, not a mean soul in your body, and I know you love the country. And God, the thing you put up with, I don’t know how you do, but idol, idol,” ayon sa Unang Ginang.

“I’m so proud of you also,” aniya pa rin.

Para naman sa kanilang love language, sinabi ng First Couple na ito’y sa kalidad at tawanan na ibinabahagi nila sa isa’t isa lalo na sa mga panahon na kailangan nila ng ‘short break’ mula sa kanilang mga hectic schedules.

“We just try – I suppose to be with each other as much as possible. And as I said earlier, snatch what little time there is in our – both our busy schedule to spend time with one another. It’s really time because it’s, of course, the most valuable thing of all,” ayon kay Pangulong Marcos.

Idinagdag pa ng Pangulo na napapanatili nila ang kanilang sense of humor at nakikita ang ‘lighter side’ ng mga bagay kaya’t nananatiling malusog ang kanilang relasyon.

Sinabi naman ng Unang Ginang na hindi nila hinahayaan na “kainin sila ng sistema” ng stress.

“Don’t let stress get you … Laugh whenever you can, be grateful for what you have, and we’re all blessed one way or another, just be grateful. You’ll never be perfect but just be grateful,” ayon sa Unang Ginang.

“I suppose it’s just direct communication. Don’t communicate through your phone. Talk to each other face-to-face. Don’t bother with social media when it comes to relationships. Talk to each other face-to-face, hold hands, go have dinner, walk down the beach, do something, but don’t do it digitally,” dagdag na pahayag naman ng Pangulo.

Winika pa ng First Couple na hindi sila kailanman nagkaroon ng away o malalang argumento.

Bago pa matapos ang vlog, tinanong sina Pangulong Marcos at Unang Ginang hinggil naman sa kanilang “first kiss.”

“Wow, you’re talking 35 years ago, right?” ang tanong ng Unang Ginang sabay sabing una siyang hinalikan ng Pangulo sa New York.  “Pumayag ka naman,” ang naging tugon naman ni Pangulong Marcos.. “Patay na patay sa akin,” ang mabilis na naging pahayag naman ng Unang Ginang bago pa sila kapwa nagtawanan.

Samantala, kinokonsidera naman ng First Couple ang presidency bilang “most unforgettable adventure” na nagawa nila nang magkasama.

“This is the biggest thing that I’ve been involved in. Being President and having Liza as First Lady. In very many ways it is an adventure and it’s something that a very few people have the privilege of experiencing. That is why it is also unforgettable,”ayon sa Pangulo.

Tinapos naman ng Pangulo ang kanyang vlog sa pamamagitan ng pagpapaalala ukol sa “Bagong Pilipino” na puno ng pagmamahal para sa kanyang pamilya at para sa sambayanang Filipino. Kris Jose