Home ENTERTAINMENT Sunshine, binigyan ng house and lot ng isang negosyante?

Sunshine, binigyan ng house and lot ng isang negosyante?

Manila, Philippines – Sa OOTD online show nina Jobert Sucaldito at Chaps Mamamsala, pinangalanan ng dalawa ang kanilang blind item last na diumano’y may bagong gf ngayon ang businessman na si Atong Ang sa katauhan ni Sunshine Cruz.

At nasabi pa nila sa kanilang online vlog na ang pagkakakilanlan sa umano’y ex ni Atong na si Gretchen Barretto ay “menopause girl”, habang si Sunshine ay ang sikat na actress na may mga anak.

Ayon sa tsismis, nag-umpisa ang pagdi-date nina Atong at Sunshine nang nabalitang nagkahiwalay na ang mag-business partner na sina Gretchen at ang sikat na negosyante.

Hindi man kinumpirma ng dalawa ang relasyon, may source naman silang nagsasabi na si Sunshine nga itong bagong ka-date ng milyonaryong negosyante.

Humiling daw ng house-and-lot si Sunshine kay Atong at ora mismo, ani Jobert, ipinadala ng una ang P40M sa may-ari ng bahay at lupa sa Binan, Laguna.

“Dinala yung pera sa Binan para pambayad sa house,” ani Jobert.

“At dis-oras pa ng gabi nagkabayaran,” dagdag pa. Ador Saluta