Home OPINION PBBM ‘FOCUS’ SA TRABAHO, POLITICAL OFFICER DUMIPENSA

PBBM ‘FOCUS’ SA TRABAHO, POLITICAL OFFICER DUMIPENSA

MATAPOS ang kabi-kabilang batikos at patutsada na ibinabato kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong mga nakaraang araw pero dedma siya at sa halip na gumanti sa ibinatong akusasyon ay pinili na lamangna tumutok kanyang mga trabaho at mahahalagang gawain para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Bilang patunay na tutok sa trabaho ang Pangulo Marcos, batay sa huling talaan ng Philippine Statistics Authority  ay bumaba sa 3.1% na mga Pilipino ang walang trabaho sa buwan ng Disyembre kumpara sa 3.6% noong Nobyembre. Ang dahilan nito ay ang dumaming namumuhunan sa bansa na lumikha ng mas maraming trabaho.

Maging ang panawagan na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas ay tila hindi na pinansin ni Presidente Bongbong at hinayaan na lamang ang kanyang miyembro ng gabinete na ipaliwanag sa bawat Pilipino na labag ito sa Saligang Batas.

Sa kabila ng pagsasawalang bahala ni PBBM sa mga ipinupukol na patutsada sa kanya, hindi na nakapagtimpi ang dati nitong political officer kaya’t binasag na ang kanyang pananahimik at isiniwalat ang totoong kulay ng presidente.

Nitong nakaraang linggo, nagpahayag ang dating political officer ni PBBM na si Gerald Dequina na halos buong araw ay nakabuntot siya sa Pangulo sa loob ng apat na taon noong  naglingkod  siya rito kaya kilala niya ang kilos at totoong ugali nito sa harap at likod ng camera.

Marami aniyang pagkakataon na kapag may kalamidad tulad ng sunog, inuutusan siyang alamin kung ilan ang apektado para agad na mapadalhan ng tulong.

Sabi ni Dequina, gusto niyang ibahagi ang karanasan niya kay PBBM, dahil hindi niya matiis ang mga maling paratang sa kanyang dating ‘boss’. Nagpasalamat din siya sa Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa mabilis na paglilinaw sa maling paratang sa Pangulo.

Hindi lang ang kabutihan ni PBBM ang nais nitong ilantad kundi maging si First Lady Louise Marcos makaraang tulungan siya habang nagaagaw-buhay ito sa pagamutan dulot ng nakamamatay na sakit na Covid-19.

Kilala raw niya ng husto ang “first couple’ dahil noon ay araw-araw niyang kasama ang mga ito sa trabaho at kahit may pagkakamali ay hindi siya nakatikim ng masakit na salita kundi paliwanag na nagsilbing gabay niya ngayon para matuto sa buhay.

Dahil dito, nanawagan si Dequina sa mga nag-aakusa na mangalap ng matibay na ebidensiya at huwag basta-basta na lamang maniwala sa mga tsismoso’t tsismosa sa paligid.

Previous articleCALOOCAN CITY POLICE DISTRICT IN THE OFFING
Next articleDirek Joel, nababahala sa mga showbiz death!