Home NATIONWIDE PBBM nangako ng ‘strong political will’ sa tagumpay ng Bangsamoro

PBBM nangako ng ‘strong political will’ sa tagumpay ng Bangsamoro

MANILA, Philippines – NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ikakasa ang ‘strong political will’ para sa tagumpay ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang nanawagan para sa “whole-of-society approach” at partnership sa pagitan ng gobyerno at lokal na residente para makapaghatid ng progreso sa rehiyon.

“Let us continue to work together and march in unison as we implement our whole-of-society approach in our mission to uplift the lives of the people of Bangsamoro,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati sa isinagawang ika-10 taong anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Ni-renew naman ni Pangulong Marcos ang kanyang commitment para gawing normal ang Bangsamoro communities lalo na sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), sinabi ang fast-approaching ng amnesty application ng National Amnesty Commission.

Tinuran ng Pangulo na ang kapayapaan ay hindi nakamit sa isang upuan lamang, binigyang-diin ang pagdalo sa Intergovernmental Relations Body noong nakaraang Pebrero.

Nagpulong ang body para sa ika-anim na pagkakataon sa ilalim ng kanyang administrasyon,

“Kasunod nito ang pagdalaw ko sa Basilan upang masaksihan ang decommissioning ng mga baril at armas. Ito ay pagpapakita lamang na marami pang gagawin para makamit na natin ang kapayapaan at kaunlaran na ating minimithi,” ayon kay Pangulong Marcos.

“This is not an easy job. It’s not the work of a day, it’s not the work of a month, it’s a work of a lifetime. Ang mahalaga ay patuloy ang pag-uusap at paghahanap ng solusyon sa lahat ng hinaharap natin,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Winika pa ng Pangulo na “this is how peace is forged, through the honest exchange of ideas” and by allowing parties to speak with candor and openness, making it more durable. Above all, peace is achieved by working relentlessly, the crusade for peace and the cause of development should not hinge on whims nor depend on where the political winds blow. It requires a strong political will. And, as President, I will exercise that strong political will for the success of the Bangsamoro region,” ayon sa Pangulo.

“Kailangan buo ang loob natin dito kasi marami pang trabahong naghihintay sa atin,” aniya pa rin.

Dumalo ang Pangulo sa commemoration ceremony, na nagmarka ng historical significance dahil idinaos ito sa Camp Iranun sa Barira, Maguindanao del Norte, dating kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at lugar ni MILF founder Ustadz Salamat Hashim’s residence.

Ang CAB ay nilagdaan sa pagitan ng gobyerno at MILF noong March 27, 2014, o 17 taon matapos ang peace negotiations na nagsimula noong 1997.

“The CAB led to the achievement of numerous milestones in its political and normalization tracks 10 years from its signing,” ayon sa ulat. Kris Jose