Home TOP STORIES PBBM napa-sana all sa popularidad ni Sen. Revilla

PBBM napa-sana all sa popularidad ni Sen. Revilla

MANILA, Philippines – Napa-sana all na lang si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr matapos na masaksihan ang kung gaano katindi ang papularidad ni Senador Ramon Bong Revilla Jr sa isinagawang Campaign Rally ng mga senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa Camarines Sur nitong nakaraang Biyernes Marso 7, 2025.

Humanga ang pangulo sa papularidad ni Revilla matapos ang sigawan at hiyawan ng tinawag ang pangalan ng senador.

Nasambit tuloy ni PBBM na sana ay nag artista sana siya noon.

Humanga rin ng pangulo kay Revilla dahil hindi lamang bilang isang artista kaya papular sa mga kababayan ang senador dahil narin sa daming naging ganap na batas ang naipasa nito na napapakinabangan na ng mga kababayan na umaabot sa mahigit sa 300 batas tulad ng centenatrian law at ang pagbabawal sa no tuition, no exam policy sa lahat ng paaralan.

Dinumog ng mga kababayan si Revilla sa kanyang ginawang pag iikot sa lalawigan ng Cam Sur kung saan tinitiyak ng senador na kanyang ipagpapatuloy ang paggawa ng mga panukalang batas na higit na kailangan ng ating mga kababayan lalo na ang para sa kapakanan ng mga mahihirap , matatanda at mga mag aaral.

Nagpasalamat naman si Revilla kay Pangulong Marcos sa naging pahayag at tiwala na ibinigay sa kanya at tiniyak na mas lalo niyang pagiibayuhin ang mandato sa paggawa ng mga panukalang batas para sa mga kababayan. RNT