Home HOME BANNER STORY PBBM: Pinoys nasa 112.7 milyon na sa 2024

PBBM: Pinoys nasa 112.7 milyon na sa 2024

281
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang populasyon ng Pilipinas ng mahigit tatlong milyon sa nakalipas na apat na taon.

Ito ang makikita sa 2024 census data na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakasaad sa Proclamation 973 ni Pangulong Marcos na mayroong 112,729,484 Filipino as of July 1, 2024, tumaas ng 3.69 milyon mula sa 109,035,343 katao as of May 1, 2020, base sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang Batas Pambansa 72 ay nagsasaad na ang final population count ay dapat na ikonsiderang opisyal para sa lahat ng layunin sa pamamagitan ng proklamasyon ng Pangulo.

Ang 2024 Census on Population and Community-Based Monitoring System ay isinagawa mula Hulyo hanggang Setyembre 2024, kung saan ang Hulyo 1 ang reference date.

Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA) report, ang Pilipinas ay mayroong 1.9% fertility rate kada babae as of 2025.

Sa isang survey sa 14 bansa, sinabi ng UNFPA na “rates of unintended pregnancy are persistently high across regions, as are difficulties having the number of children respondents desire.”

Samantala, sinabi naman ng Commission on Population and Development na mayroong mahigit 2,000 ang mga nanganganak na kababaihang may edad na 10 hanggang 14 noong 2019, na mas lalo pang tumaas sa mahigit 3,300 noong 2023. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here