Home NATIONWIDE PBBM sa publiko: Buffer stock ng bigas sa Pinas sapat

PBBM sa publiko: Buffer stock ng bigas sa Pinas sapat

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang filipino na may sapat na buffer stock ng bigas ang Department of Agriculture (DA) sa kabila ng malawakang pinsala na dulot ng super typhoon Egay sa Northern Luzon.

Sa maikling video message ng Pangulo, sinabi nito na nakipagpulong siya sa mga opisyal ng DA at tinalakay ang epekto ng bagyong ‘Egay’ sa rice production ng bansa at paraan upang tiyakin na sapat ang suplay ng bigas.

“Mukha naman, sa ngayon, the supply is ok,” ayon kay Pangulong Marcos matapos na makipagpulong sa mga opisyal ng DA sa Palasyo ng Malakanyang.

Nakipagpulong ang Pangulo sa DA officials, I;ang araw matapos na manalasa ang super typhoon Egay sa ilang bahagi ng Northern Luzon,nag-iwan ng P1.94 bilyong halaga ng agricultural damage.

Gayunman, sinabi ng Punong Ehekutibo na naghahanap sila ng ilang “agricultural inputs” kung pag-uusapan ang epekto ng ‘Egay’ upang matiyak na ang presyo ng bigas sa mercado ay hindi tataas.

“With rice supply projected to reach 5.47 million metric tons (MMT) in the third quarter of 2023 and demand expected to reach 3.79 MMT, ending stock in the third quarter is projected at 1.69 MMT, enough to last 45 days at present consumption,” ayon sa DA.

Maliban sa epekto ng super typhoon Egay, winika pa ng Pangulo na pinag-usapan din nila sa pulong ang paghahanda ng departamento para sa buffer stock na may kinalaman o kaugnayan sa inaasahang mangyayari na El Niño phenomenon.

“So, gumawa na…kami ng schedule kung saan tayo kukuha ng production; kung saan tayo bibili dito sa local; kung kailangan mag-import, mag-i-import na naman tayo,” ayon sa Chief Executive.

“Mabuti naman at sa usapan namin, nakita naman na ang pag-import natin ng bigas ay pababa naman nang pababa. Ngunit pagka may emergency na ganito ay kailangan talaga nating tignan kung nangangailangan pa ng pag-import,” dagdag na wika nito.

Habang sinasabi ang posibilidad na mag-angkat ng bigas, binigyang diin ng Pangulo na masusing pinag-aaralan ang pag-angat ng bigas.

Binigyang diin ng Pangulo na tiniyak ng DA na may sapat na suplay ng “rice at corn seeds at high-value crops” na ipamamahagi sa mga apektadong magsasaka.

“The DA will distribute 111,873 bags of rice seeds; 14,426 bags of corn seeds; and, 2,582 kilograms of assorted vegetable seeds to regions affected by Egay as it recommended to ramp up local production of rice and production support to ensure a sufficient supply of rice and other agricultural commodities,” ayon sa Malakanyang.

“It also recommended to fast-track efforts for the distribution of readily available assistance to rice farmers, especially those in calamity-stricken areas, and ensure the availability of the Quick Response Fund for the immediate rehabilitation of affected areas to be augmented by credit assistance,” ayon pa rin sa ulat.

Isa naman sa rekumendasyon ng DA ay “Exploring the possibility of immediate procurement of available rice stocks at the lowest accessible price, to cover the 15-day buffer stock, subject to compliance with the Rice Tariffication Law (RTL) and its implementing rules and regulations.”

Inirekumenda rin ng DA na tiyakin ang availability ng affordable rice, lalo na sa mga less fortunate households, sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o Food Stamp Program at gamitin ang local government unit (LGU) resources sa pagtugon sa mga kalamidad. Kris Jose