Home HOME BANNER STORY PCG nagpadala ng karagdagang barko sa WPS sa gitna ng civilian mission

PCG nagpadala ng karagdagang barko sa WPS sa gitna ng civilian mission

MANILA, Philippines- Nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules ng dalawang karagdagang barko upang bantayan ang kaligtasan ng civilian mission sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng ulat na nasa 30 Chinese vessels kabilang ang isang warship ang namataan sa paligid ng Scarborough Shoal.

“We are also considering the possibility of deploying additional Philippine Coast Guard vessels ngayong umaga. So right now, we are still making preparations for the vessels that we are going to deploy,” pahayag ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela sa isang press conference.

Tinukoy ni PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo ang mga karagdagang barko bilang BRP Panglao at BRP Boracay.

“On the way na din sila. Last info ko, nasa Subic na. BRP Panglao and BRP Boracay,” pahayag niya.

“BRP Boracay is in Subic already. Padating na din si BRP Panglao. These are 24-meter patrol boats. Fast and with excellent maneuverability,” dagdag ng opisyal.

Nauna nang itinalaga ng PCG ng 44-meter vessel BRP Bagacay at isang aircraft sa lugar.

Sa nasabing press conference, tinanong si Tarriela ukol sa bilang ng Chinese vessels na kasalukuyang na-monitor sa Scarborough Shoal subalit tumanggi siyang magbigay ng komento.

Gayundin, sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang Philippine Navy hinggil dito. RNT/SA