Home NATIONWIDE PCG patuloy na magbabantay sa mga mangingisdang Pinoy sa tensyon sa WPS

PCG patuloy na magbabantay sa mga mangingisdang Pinoy sa tensyon sa WPS

MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc sa kabila ng nangyayaring girian sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Pagtitiyak ng PCG, idineploy ang BRP Malapascua at BRP Sindangan upang magpatrolya sa 43.89 nautical miles sa Bajo de Masinloc.

Ito ay sa kabila ng pinakahuling insidente ng girian ng mga sundalong Pilipino at Chinese sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Pagtitiyak ng PCG, maayos at ligtas ang operasyon ng mga pumalaot na mannnnnnda sa Bajo de Mqsinloc.

Liban sa pangungumusta sa kanilang kalagayan, muli ring namahagi ng pagkain at gamot sa mga Pilipinong mangingisda.

Ayon sa BRP Sindangan, namonitor nila ang presensya ng tatlong barko ng China Coast Guard at isang barko ng Chinese Navy na may bow number na 552 sa kasagsagan ng isinagawang operasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden