MANILA, Philippines — Isinusulong ni dating Senador Manny Pacquiao ang PDC o Production, Distribution, and Consumption upang mas epektibong ma-regulate ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Marami ang nagrereklamo sa mahal ng bilihin. Mayroon akong programang PDC para sa DA na tututok sa produksyon, distribusyon, at konsumo,” ani Pacquiao.
Nilinaw niya na hindi siya tutol sa pag-aangkat ng pagkain ngunit dapat itong bahagi ng trade agreements, hindi solusyon sa kakulangan ng suplay.
“Ang goal ko ay sapat ang supply ng basic commodities para makontrol ang presyo at bumaba ang bilihin,” dagdag niya. RNT