Home NATIONWIDE PDEA, DDB pabor gawing ‘less dangerous drug’ ang marijuana

PDEA, DDB pabor gawing ‘less dangerous drug’ ang marijuana

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magkaroon ng reklasipikasyon sa marijuana bilang isang   less dangerous drug, ayon kay Senador Ronald dela Rosa.

Inilahad ito ni Dela Rosa nitong Martes sa ginanap na deliberasyon sa plenaryo ng Senado sa panukalang  2025 national budget na kanyang inisponsor ang badyet ng naturang ahensiya

“Wala pong problema sa   PDEA. They are willing to do everything to downgrade marijuana,” ayon kay Dela Rosa bilang tugon sa interpelasyon sa plenaryo.

“But the problem is, we really have to amend the law RA 9165 before we can do otherwise because marijuana is annexed in this law as one of the prohibited substances,” dagdag ng senador.

Itinakda sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng parusa sa sinumang indibiduwal na mahuhuling may dalang    possession of dangerous drugs, kabilang ang marijuana, marijuana resin, at marijuana resin oil.

Ayon kay Dela Rosa, kailangan amendahan ang RA 9165 bago makapagpatuloy ang DDB sa reclassification, addition, o removal ng anumang droga sa listahan ng dangerous drugs.

“Ang problema kasi your Honor is that puwede silang mag-reclassify kapag hindi siya naka-annex dito sa RA 9165, pero in this case, marijuana for that matter, is annexed in RA 9165. ‘Yung limitation ng kanilang power to reclassify ay dapat matanggal muna sa annex ng RA 9165 ang marijuana bago sila makapag-reclassify,” paliwanag ng senador.

Habang nakabinbin ito, sinabi ni Dela Rosa na buo ang suporta ng DDB at PDEA sa reklasipikasyon ng marijuana bilang   low-risk drug.

“But as far as their willingness, as far as their approval, as far as their cooperation is concerned, they’re very much willing to do everything… Officially, they have manifested their willingness to cooperate with the move of the good gentleman from Camarines Norte as far as reclassifying marijuana,” patuloy niya.

Noong 2020, inaprubahan ng  53 member-states ng UN Commission on Narcotic Drugs na bomoto pabor sa reclassification ng marijuana at derivatives nito bilang less dangerous drug. Ernie Reyes