Home OPINION PEKE AT TOTOONG BALITA NGAYONG HALALAN

PEKE AT TOTOONG BALITA NGAYONG HALALAN

NAGHAHALO ang balat sa tinalupan sa mga balita at kuro-kuro ukol sa mga politiko ngayong halalan 2025.

Pangunahing nauukol sa mga senador at partylist ang kukulapulan ng mga peke at totoong balita na nakakabit naman sa mga kuro-kuro o opinyon..

Dahil sa magkakalaban o magkakaibang interes, hindi maiwasang ang paglitaw ng mga makakatunggali o magkakontrang mga pahayag ng mga kandidato.

Karaniwang sinasabi ng mga magkakatunggali na pawang mali ang sinasabi at ginagawa ng isa’t isa.

Kung wala o kulang ka ng pinagbabatayang batas o tadhana ng Konstitusyon o karanasan o alam na katotohanan sa mga pinag-uusapan, malamang na hindi mo malalaman ang peke at totoong balita at susunod na riyan ang hindi tama o dispalinghadong kuro-kuro.

Sa ganitong kalagayan, kapag pumili o bumoto ka sa Mayor 12, 2025, malamang na hilaw o maliligaw ang iyong kamay sa pagmamarka ng iyong balota kung sino ang iboboto mo.

Lalo na kung dadatnan ka ng mga bahagyang ayuda na kukumpletuhin kapag natapos na ang halalan at nanalo o natalo ang kandidato.

Ang nanalong kandidato, maaaring tuparin ang pangakong maging buo ang iyong ayuda at kung natalo naman, gudbay ayuda na.

Sa pamimigay o pagtanggap ng ayuda karaniwang nakabatay ang mga pagboto.

Pero meron din talagang nagagawa ang balita at kuro-kuro bilang gabay sa pagmarka sa kandidatong ibinoboto.

Kaya lang, paano kung higit na gumana o mas namamayani ang peke sa totoong balita at kuro-kuro at nagpanalo ito ng kandidato?

Tiyak na magbubunga ito ng pangako na napako.

Ngunit higit pa rito, mababangkrap ang gobyerno sa kananakaw sa kabang bayan ng mga iskalawag o korap na politiko kaya napapako ang mga pangako.

Sana naman, makayanan ng mga botante na kilatisin ang mga peke at totoong balita at kuro-kuro na maging batayan nila ng pagluklok ng tunay na lingkod-bayan.