ISASANGGUNI na ni Senador Lito Lapid kay President Ferdinand Marcos Jr. ang problema sa matinding baha sa lalawigan ng Pampanga upang mahanapan ng permanenteng solusyon.
“Hindi lang dito sa Pampanga halos buong Pilipinas, halos nationwide itong kalamidad natin. Sana huwag silang mag-alala nandyan ang mga local official natin, nandyan ang ating mahal na Pangulo, hindi kayo pababayaan. Kami, kaming mga Senador, ako mismo at isasama ko na ang mga Senador na kasama ko, lahat ng local official, kailangan wag nating pabayaan ang mga kasama natin. Kailangan tulong-tulong at magkaisa tayo,” ayon kay Lapid.


Inihayag pa ni Lapid na nagkakaisa sila nina Gov. Lilia Pineda, Vice-Gov. Delta Pineda at Cong. Ana York Bondoc na mabisang solusyon sa baha ay ang ‘dredging’ at ‘disiltation’ ng mga ilog na nag-uugnay sa Pampanga, Bulacan at Tarlac.







