Home HOME BANNER STORY Pertussis outbreak idineklara sa QC

Pertussis outbreak idineklara sa QC

MANILA, Philippines – Idineklara ang outbreak sa ‘whooping cough’ o pertussis sa lungsod ng Quezon.

“Idineklara ngayong araw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ‘pertussis outbreak’ sa buong lungsod Quezon,” saad sa pahayag ng lokal na pamahalaan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na nakapagtala na ng 23 kaso ng pertussis sa lungsod hanggang nitong Marso 20.

Apat na sanggol na ang namatay dahil sa impeksyon.

“As of March 20 this year, we already recorded 23 cases of pertussis. What is more heartbreaking is this acute infectious disease has claimed the lives of four babies,” ani Belmonte.

Noong nakaraang taon ay walang naitalang kaso ng pertussis sa Quezon City mula Enero hanggang Marso. Sa kabuuan ng 2023 ay mayroong 27 kaso at tatlong nasawi.

Ang Pertussis ay isang ‘contagious disease’ sa baga dulot ng bacteria na Bordetella pertussis.

Maaaring makakuha ng sakit na ito lalo na sa mga bata edad lima at pababa.

Naipapasa ang sakit kapag ang isang infected person ay bumahing o umubo. RNT/JGC

Previous articleRBH7, SMNI franchise revocation bill ipinadala na ng Kamara sa Senado
Next articleAmyenda sa UHC Act suportado ni Bong Go