Home OPINION PESTENG CPP-NPA-NDF

PESTENG CPP-NPA-NDF

KINONDENA ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front dahil sa walang awang pagpatay ng mga ito sa isang magsasaka sa Zamboanga.

Naganap ito sa araw pa naman nang ipalabas ni President Ferdinand Marcos Jr. ang amnestiya para sa mga grupo ng mga rebelde.

Ang dahilan ng pagpatay ay napakasimple, walang maibigay na pagkain ang 48-anyos na magsasakang si Ricardo Quijano, kaya isang bala sa kanyang noo ang iginawad ng mga pesteng CPP-NPA-NDF members.

Isang inosenteng buhay ang kinitil ng mga walang kwentang CPP-NPA-NDF kung kailan nais ni Pangulo Marcos na matapos na ang ganitong mga kalupitan sa pamamagitan ng amnestiya para sa  mga rebeldeng naliligaw sa maling paniniwala at mga idelohiya.

Sinabayan pa ito nang ‘di pag-sangayon ng ‘Makabayan bloc’ sa Kongreso na kaalyado ng komunistang-teroristang samahan.

Ang mga ganitong galawan ng CPP-NPA-NDF at ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kongreso ang pumipeste sa imahe ng ating bansa. At mas peste sa mga kababayan nating gaya ni Mang Ricardo.

Kahit na naghihingalo na ang kanilang pwersa at malapit nang malupig ng pamahalaan ay pilit na itinatayo ng Makabayan Bloc para lamang makapusturang sila ay malakas pa.

Ang pagalalay ng amnestiya, ‘di lamang sa CPP-NPA-NDF kundi sa iba pang mga grupo ng rebelde, ni Pangulong Marcos ay para makausad na ang bansa sa kaunlaran na limang-dekada nang pinipigilan ng mga rebeldeng ito. Wala namang maialay sa kanilang kababayan na katiwasayan man lang bagkus ay puro kaguluhan lang.

Sa amnestiya, gaganda pa ang buhay ng mga dating rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan, upang mapagtunay sa kanilang kaisipan na mali ang kanilang ipinaglalabang idelohiya o paniniwala.

Kakaunti na nga lang sila, ay pilit pang nagpaparamdam sa maling pamamaraan. Kailan ba naging tama ang pagpatay sa kapwa Filipino?

Previous articleQCPD shoot fest
Next articleGADON HAILS COMELEC DECISION DISQUALIFYING SMARTMATIC