Home NATIONWIDE PH bukas pa rin sa dayalogo, diplomasya sa kabila ng agresyon ng...

PH bukas pa rin sa dayalogo, diplomasya sa kabila ng agresyon ng Tsina sa WPS – Año

MANILA, Philippines- Nananatiling ‘committed’ ang Pilipinas na isulong ang mapayapang paraan habang pinalalakas ang “defense capabilities” sa gitna ng agresyon ng mga Chinese sa West Philippine Sea (WPS).

“Despite all these provocative, unilateral, and illegal actions that continue to violate our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction, we are still committed to promoting peace and resolving issues through ‘dialogue and diplomacy,” ayon kay National Security Adviser at National Security Council (NSC) Director General Eduardo Año.

Ang pahayag na ito ni Año ay matapos na sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na marami pang kailangang gawin ang Pilipinas kaysa sa maghain ng protesta laban sa agresibong aksyon ng China sa ‘territorial waters’ ng bansa.

Nauna rito, naghain ang Pilipinas ng panibagong note verbal sa Tsina matapos na maputulan ng daliri ang isang sundalong Pinoy dahil sa panibagong insidente na kinasangkutan ng Chinese Coast Guard (CCG) noong Hunyo 17.

“While we vehemently denounce and repeatedly express grave concerns on the continued hostile behaviors of our neighbor, our commitment and pursuit for peace and stability within and around our territory is not pushed to the side,” ayon kay Año.

“In fact, we have been exerting our best efforts to urge China to respect and act in accordance with international laws, rules and orders and be true to their words by translating them into actions,” dagdag niya.

Aniya pa, habang committed ang Pilipinas sa mapayapang paraan, ang administrasyong Marcos, kasama ang Armed Forces of the Philippines, “will continue to defend our nation and our people, our territorial integrity, and sovereign rights.”

“In the face of all these foreign incursions, we are determined as ever to progressively build our defense capabilities to effectively deter and counter all threats to our nation’s peace and security,” giit ni Año.

“As a sovereign state, it is our duty as well to upgrade our readiness and capabilities to assert our rights and push back against illegal, coercive, aggressive and deceptive tactics. In this respect, no country can stop us from bolstering our defense posture and tell us what to do and what not to do within our Exclusive Economic Zone,” anito pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Chinese Embassy sa Maynila na bukas ang Beijing sa dayalogo para pangasiwaan ang mga magkakaibang posisyon sa South China Sea (SCS).

Sinabi ng Chinese Embassy na ang Beijing ay nananatiling “committed to properly managing differences” ukol sa isyu ng sealane “through dialogue and consultation with countries concerned.”

Sinabi pa rin ng Embahada na handa ang Beijing na makatrabaho ang ASEAN countries para ganap at epektibong maipatupad ang Declaration on the Conduct of Parties (DOC) sa SCS at isulong ang konsultasyon sa Code of Conduct para magkakatuwang na bantayan ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Nauna rito, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ito’y “working hard” para ibalik ang Tsina sa pag-uusap at resolbahin ang pagkakaiba sa usapin ng SCS.

Ang komento ng Embahada ay bahagi ng reaksyon sa kamakailan lamang na naging pahayag ni US Ambassador MaryKay Carlson na “the chorus against threats to peace and stability in the South China Sea is growing louder and stronger each day”.

Hindi kasi nagustuhan ng Beijing ang naging pahayag ni Carlson matapos na hikayatin ng huli ang estado “to cease harassment of Philippine vessels lawfully operating in the Philippine exclusive economic zones (EEZ) and to halt its disruption to states’ sovereign rights to explore, utilize, conserve, and manage natural resources in their territories and EEZs”.

Nauna rito, iniulat ng China Coast Guard na nagkabanggaan ang barko ng Pilipinas at China sa Ayungin shoal,  isang submerged reef sa may Spratly Islands sa West Philippine Sea, araw ng Lunes, Hunyo 17, 2024.

Sa inilabas na statement ng CCG, binalewala umano ng resupply ship ng Pilipinas ang maraming beses na babala mula sa panig ng China.

Inakusahan din nito ang barko ng Pilipinas na lumapit sa unprofessional na paraan na nagresulta umano sa banggaan.

Pinaratangan din ng CCG ang barko ng Pilipinas na ilegal umanong pumasok sa karagatan malapit sa Ayungin shoal sa Spratly Islands.

Ayon pa sa CCG, nagsagawa umano ito ng control measures laban sa barko ng Pilipinas alinsunod sa batas. Kris Jose