Home NATIONWIDE PH Embassy sa Holy See naghahanda na sa pagdating ni PBBM

PH Embassy sa Holy See naghahanda na sa pagdating ni PBBM

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Philippines Embassy to the Holy See sa pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos na dadalo sa libing ni Pope Francis.

Sa ulat, nagpapatuloy ang preparasyon sa harap ng St. Peter Basilica sa inaasahang pagdalo ng iba’t ibang world leader.

Nakapwesto na rin ang mga tent para sa mga miyembro ng media at medical teams na nakatalaga sa naturang event.

Ipatutupad din ang mas mahigpit na seguridad sa huling araw ng viewing ng labi ni Pope Francis.

Matatandaan na noong Lunes ay inanunsyo ng Vatican ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88. RNT/JGC