Home NATIONWIDE PH kumita ng P712B sa turismo ngayong 2024; higit 5.6M foreign visitors...

PH kumita ng P712B sa turismo ngayong 2024; higit 5.6M foreign visitors naitala

MANILA, Philippines- Kumita ang Pilipinas ng P712 bilyon sa turismo mula Jan. 1 hanggang Dec. 15.

Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco na pumunta sa bansa ang 5,646,351 dayuhang bisita, nito lamang kalagitnaan ng Disyembre, nakamit ang 119% na pagbawi kumpara sa pre-pandemic levels.

Bagama’t ang 2024 revenues ay kinapos ng P3.36 trillion na naitala noong 2023, binigyang-diin ni Frasco na patuloy na nakababawi ang industriya ng turismo.

Tinukoy nito na sa kabila ng foreign arrivals na hindi inabot ang 7.7 million target, nananatili namang malakas ang sektor.

Sa ulat, pinangunahan ng South Korea ang source ng foreign arrivals, tinatayang umabot sa 26.66% o 1,505,251 bisita, sinundan ng Estados Unidos na may 5.75% o 889,489 mga bisita.

Pumangatlo ang Japan na may 6.51% o 367,747 bisita habang ang Tsina ang nakakuha ng 4th rank, nakapag-ambag ng 5.43% o 306,549 mga bisita at pang-5th rank naman ang Australia 4.41% o 249,130 bisita.

Ang mga bansang Canada, Taiwan, Singapore, United Kingdom, at Malaysia ang bumuo sa top 10 sources ng foreign tourists.

Sa kabilang dako, base sa Philippine Statistics Authority (PSA) April 2024 Labor Force Survey, may 16.4 milyong manggagawa o 34.11% ng manggagawa ng bansa ay nagtatrabaho sa tourism-related industries, ito man ay ‘directly o indirectly.’

Nanguna ang Calabarzon sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamataas na tourism employment, nakapagtala ng 2.92 milyong trabaho, sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 2.80 milyon at Gitnang Luzon na may 2.49 milyon.

“These statistics underscore the vital role of tourism in uplifting lives and fueling economic growth,” ayon kay Frasco.

Inulit ng Kalihim ang commitment ng DOT na isulong ang ‘established at emerging destinations’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mas mapalakas pa ang ‘tourism opportunities.’

Samantala, sa pagtingin sa 2025, binigyang-diin ni Frasco ang nagpapatuloy na pagsisikap ng DOT na palakasin ang global appeal ng Pilipinas at suportahan ang inclusive economic growth.

“Our focus remains on increasing visitor receipts, improving employment, and positioning tourism as a key driver of national development,” ayon kay Frasco.

“To maintain the sector’s momentum, the DOT plans to launch new programs and form partnerships aimed at strengthening the country’s position as a premier global tourism destination,” dagdag niya. RNT/SA