Home HOME BANNER STORY PH nais ng patas na paglilitis kay Duterte – Palasyo

PH nais ng patas na paglilitis kay Duterte – Palasyo

MANILA, Philippines – Nais ng pamahalaan na siguruhin ang patas na paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court kaugnay sa reklamong crimes against humanity, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro nitong Biyernes, Marso 14.

”Base po sa RA 9851, bilang Pilipino, hindi lang dahil dating pangulo si dating Pangulong Duterte, kailanganin din po natin ang gobyerno na mai-sure po, masiguro natin na nagkakaroon po ng fair trial lalong-lalo na po Pilipino po ang dating Pangulong Duterte,” pahayag ni Castro sa isang press briefing.

Nakatakdang humarap si Duterte sa mga hurado sa pagdinig ngayong araw kung saan ipapaalam sa kanya ang mga krimen na nagawa, kabilang ang karapatan niya bilang isang defendant.

Sinabi naman ni Silvestre Bello, isa sa mga abogado ni Duterte, na isusulong nila ang pansamantalang paglaya ng dating Pangulo mula sa ICC prison sa pagsasabing wala namang dahilan na i-detain ito.

Sa ICC rules, sinasabi na ang akusadong indibidwal ay maaaring humiling para sa interim release batay sa mga kondisyon at konsiderasyon na pinapayagan ng korte. RNT/JGC