Home NATIONWIDE PH sa US: ‘Illegally staying’ Pinoy ‘wag i-deport sa 3rd country

PH sa US: ‘Illegally staying’ Pinoy ‘wag i-deport sa 3rd country

242
0

MANILA, Philippines- Hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa U.S. immigration authorities na payagan ang ‘illegally staying’ Filipinos na nahaharap sa deportasyon na makabalik direkta sa Pilipinas at huwag silang palayasin mula Amerika at ipatapon muna sa third countries gaya ng Libya.

Ipinarating ni Ambassador Jose Manuel Romualdez ang kahilingan ng Pilipinas sa U.S. authorities para sa lahat ng prospektibong Filipino deportees kabilang na ang Filipino Americans, sa gitna ng ulat na plano ng administrasyong Trump na ipatapon ang grupo ng illegal migrants, kabilang na ang Asian, sa pamamagitan ng Libya bago pa sila lumipad pabalik ng sari-sarili nilang bansa.

“We definitely would not want them to be deported to a third country. If they are facing any criminal liability, then we will accept them to come to the Philippines and they will probably have to face our laws,” ayon kay Romualdez.

“If you’re a Filipino, then you have every right to be deported to the Philippines,” ang sinabi ni Romualdez.

“It is not in our DNA to allow that to happen. We will accept any Filipino to the Philippines, no matter what their status is,” dagdag niya.

Nauna rito, idineklara ng provisional Government of National Unity ng Libya na hindi ito tatanggap ng deported immigrants mula Estados Unidos nang walang ‘approval’ mula sa Libyan authorities.

Sinasabing daan-daang deportees na ilegal na nananatili o nakagawa ng krimen sa Estados Unidos, ang inilipad mula Amerika patungong maximum-security prison sa El Salvador, ayon sa U.S. news reports.

Nagkaroon ng kasunduan ang administrasyong Trump sa ilang bansa kabilang na ang Panama, na tanggapin ang deportees mula Estados Unidos.

Ipinadala ng Amerika ang Venezuelans sa isang notorious prison sa El Salvador, halimbawa, “under an 18th-century wartime law but its action is being challenged in courts.”

Sa naging pagbabalik ni Trump sa White House, nagpatupad na si President Donald Trump ng matinding immigration laws at ipinag-utos ang mass deportation ng illegal migrants, isa sa kanyang top campaign promises.

Kinilala naman ni Romualdez na ang bawat bansa ay may karapatang i-deport ang kahit na sinuman na ilegal na nananatili sa anumang bansa.

“For us to insist that they’d be allowed to stay here is not only out of this world, but it is something that you cannot insist on doing if they’re here illegally most especially if they have committed any kind of crime,” ayon kay Romualdez.

Gayunman, sinabi ni Romualdez na ang Philippine Embassy sa Washington D.C. ay committed na tulungan ang mga Pilipino na nangangailangan ng tulong hinggil sa immigration issues “within legal parameters.”

Ito ang “the most that our government can do, because we have to maintain good relations with our host country,” ang sinabi ni Romualdez.

“If you have good relations with the government, then they would be kind enough to let us know whether there is a particular citizen of our country that needs to be deported and certainly we will find ways and means to be able to get them back to the Philippines,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, malapit nang pirmahan ng Philippine Embassy ang isang kasunduan kasama ang grupo ng U.S.-based immigration lawyers para magbigay ng legal assistance sa mga Pilipino na may problema sa deportasyon.

Sa pagtataya ni Romualdez, mayroong 100 hanggang 300 Pilipino ang nahaharap sa deportasyon sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos para sa iba’t ibang dahilan.

Ang pigura ay mas mababa kaysa sa tinatayang bilang na umiikot at nagpapalipat-lipat sa Philippine media. Maliit na bilang din ito kumpara sa libo-libong deportees mula Mexico at Venezuela.

Samantala, hinikayat naman ni Romualdez ang mga Pilipino na ilegal na pumasok sa U.S. o nag-overstay ang kanilang tourist visa na boluntaryong umalis ng Amerika para maiwasan ang napakagulo at nakababahalang ‘immigration ordeals.’

“The best way is to always follow the legal path in anything that you do. You think you can get away with something today, but you can’t get away with it forever,” ang sinabi ni Romualdez. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here