Home NATIONWIDE PH umakyat sa global cybersecurity rankings

PH umakyat sa global cybersecurity rankings

MANILA, Philippines- Nakagawa ang Pilipinas ng kahanga-hangang pagtalon sa 2024 United Nations Global Cybersecurity Index (GCI), tumaas ito sa ika-53 mula sa ika-61 noong 2020.

“This remarkable achievement shows the country’s significant progress in securing its cyberspace, bringing it closer to becoming a global leader in cybersecurity,” ayon sa pahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Makikita sa report na ipinalabas lamang nitong Setyembre 12, na ang iskor ng cybersecurity ay tumaas sa 93.49 puntos mula sa 77 puntos na naitala noong 2020, dahilan para malagay ang Pilipinas sa 1.51 puntos lamang ang layo para makasama sa Tier 1, kabilang dito ang best in cybersecurity laws, technology, organizations, training, at international cooperation ng buong mundo.

Tumalon ang Pilipinas mula Tier 3 (Evolving) papuntang Tier 2 (Advancing), kung saan binigyang-diin ang improvements sa iba’t ibang larangan gaya ng pagbibigay ng technical skills, pakikipagtulungan sa ibang bansa, pag-oorganisa ng cybersecurity efforts, at pagtatatag ng kakayahan para labanan ang cyber threats.

Ipinakilala naman ng GCI ang five-tier level system ngayong taon.

“This is a huge achievement for the Philippines. It shows that our hard work to protect Filipinos online is bearing fruit, but we are not stopping here. We are on the brink of being a global leader in cybersecurity and we will continue working to safeguard our digital world,” ang sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy sa isang kalatas.

Sinasabing karamihan sa progreso ay dahil sa naging pagtutok ng pamahalaan sa pagpapalakas sa cybersecurity sa pamamagitan ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028, binalangkas ng DICT.

Buwan ng Abril, tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 58 na nagbibigay ng mandato sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na pairalin ang NCSP 2023-2028, tiyakin na ang bansa ay protektado laban sa cyberattacks at online threats.

Dahil sa momentum na ito, ang Pilipinas ay ‘on track’ na maging isang global cybersecurity leader, siguraduhin ang kaligtasan at matatag na online environment para sa bawat Pilipino. Kris Jose