Home NATIONWIDE PH-Vietnam maritime deal isinusulong ni PBBM

PH-Vietnam maritime deal isinusulong ni PBBM

MANILA, Philippines- “Looking forward” ang Pilipinas na pumirma ng isang kasunduan sa Vietnam para palakasin ang maritime cooperation sa West Philippine Sea.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos ang nangyaring insidente ng pagbomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) na patungong Ayungin Shoal noong Sabado, Agosto 5, para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Dahil sa insidente, isang note verbale ang ipinadala sa Tsina.

Sa kanyang pakikipag-usap kay outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“Now that we are going to start discussions on the agreement that we have between the Philippines and Vietnam, I think it is a very, very important – it will be a very, very important part of our relationship and it will bring an element of stability to the problems that we are seeing now in the South China Sea,” ani Pangulong Marcos.

Para sa Punong Ehekutibo,  ito’y magiging “good, solid agreement” na kapaki-pakinabang sa parehong bansa.

Aniya pa, mas magiging madali para sa kanila na harapin ang “common challenges” pagdating sa territorial disputes sa  South China Sea.

Gaya ng Pilipinas, inaangkin din ng Vietnam ang bahagi ng  South China Sea.

“I really believe that we have to make these bilateral agreements. I think you will not be surprised and I think I’m not giving away any confidence that we will like to have these bilateral agreements as well with the other countries within ASEAN,” ayon kay Pangulong Marcos.

Winika ng Chief Executive na  ang kasunduan “is going to be a very big step” sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa nasabing farewell call, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Chung para sa kanyang kasipagan at pagsusumikap at sinabi na ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa ay mapagtatanto sa panahon ng kanyang  panunungkulan.

Para naman kay Chung, sinabi nito na ipinaaabot ni Vietnam President Vo Van Thuong  ang pasasalamat nito kay Pangulong Marcos at sa gobyerno ng Pilipinas na nakatrabaho ng kanyang bansa lalo na sa kanilang common interest sa West Philippine Sea (WPS) at mapigilan ang anumang insidente sa Philippine waters sa hinaharap.

“And President, Vietnam, we have very respect for your thought that you are a friend to all, none enemy,” ang sinabi ni Chung kay Pangulong Marcos.  Kris Jose