Home NATIONWIDE PH military magpapadala ng karagdagang suplay sa WPS

PH military magpapadala ng karagdagang suplay sa WPS

PUERTO PRINCESA – Magpapadala ang Pilipinas ng karagdagang suplay sa isang remote outpost sa isang reef sa pinag-aagawang South China Sea sa sunod na linggo, ayon sa isang military commander nitong Huwebes, ilang araw matapos harangin ng Chinese boats ang delivery nito.

Hindi na-unload lahat ng karga sa resupply mission noong nakaraang Sabado matapos harangin ng China Coast Guard ang mga barko at charter boats at bombahin ito ng water cannon. Ihahatid sana nito ang tubig, langis, at pagkain para sa mga sundalong Pilipino na naka-istasyon sa Second Thomas Shoal.

Kasado ang sunod na delivery “early next week hopefully, but definitely before the supply runs out. We’re on the clock now,” pahayag ni Vice Admiral Alberto Carlos, pinuno ng Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan island.

Ani Carlos, gagamitin ang parehong charter boats at sinabing umaasa silang hindi na mauulit ang insidente.

Kinokonsidera rin umano ang airdrop, pahayag niya. RNT/SA