Home NATIONWIDE PhilHealth chief iginisa sa ‘di nagamit, paglilipat ng P89.9-B pondo sa national...

PhilHealth chief iginisa sa ‘di nagamit, paglilipat ng P89.9-B pondo sa national treasury

MANILA, Philippines – Sa kabila ng maraming Filipino ang nagkakasakit at namamatay dahil bindi nakakapagpagamot, matinding iginisa ng ilang senador ang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung bakit hindi ginamit ang P89.9 billion sobrang pondo.

Base sa interpelasyon, matinding iginisa ni Senador JV Ejercito sa ginanap na deliberasyon ng badyet ng ahensiya,si PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. hinggil sa naturang sobrang pondo.

Lubhang nagulat at nadismaya si Ejercito kabilang ang ilang senador matapos matuklasan ang sobrang pondo ng PhilHealth sa harap ng maraming Filipino ang nagkukumahog na mapunan ang paghihirap sa gastusin sa medical.

Si Ejercito ang principal author at isponsor ng Universal ng mura, mataas na kalidad health care.

Naunang inaprubahan ni Ledesma base sa liham ni Finance Secretary Ralph Recto na ilipat sa National Treasury ang sobrang P89.9 bilyon ng pondong PhilHealth upang gamitin sa ilang infrastructure project.

“Kapag may savings ka ibig sabihin you’re a failure,” ani Ejercito. “Ang daming naghihirap, ang daming nahihirapang bumili ng gamot nakapila , magbayad ng ospital. Ang laki laki ng savings mo di mo ginamit. Ganun po kami sa gobyerno. When you have a fund for social services, inuubos po ‘yan dapat. Hindi natin dapat ipagmalaki na meron tayong savings. We are not a private corporation,” ayon kay Ejercito.

Sumang-ayon si Ledesma sa punto ni Ejercito saka ikinatuwiran na naitalaga lamang siya nitong November 2022.

“I’m the first one among all of us in this room who is not proud that PhilHealth has a, had a P600 billion cash reserve. Pero at the same time, parang mali rin ata to pin the blame fully on me. Why? Kasi again uulitin ko po, itong pera na ‘to, this was piling up through the years, hindi naman, this is all accumulated through a long period of time… I think it’s wrong to point the finger at me,” katuwiran ni Ledesma.

Pero, sinopla ni Ejercito si Ledesma dahil marami itong panahon upang ipatupad ang UHC.

“I guess two years, Mr. President, is long enough,” ayon kay Ejercito.

“Hindi naman puwedeng sabihin na magiging ano pa, ano to, learning curve, two years. There is no room, I think Mr. President, to wait because a lot of our people are struggling to pay their medical bills,” giit pa ng senador.

Ayon kay Ledesma, tatlong kadahilanan kung bakit lumobo at hindi nagamit ang pondo.

“First reason kaya nagkumpol-kumpol po ‘yung pondo, is because 12 years po hindi na-enhance ang case packages. Number two po, nagkaroon po tayo ng pandemic for two and a half years and because of that po, I think all of us in this room and most of us dahil napaka-serious ‘yung pandemic natakot po lumabas sa bahay at pumunta sa hospital, at pumunta sa mga doktor dahil baka magkaroon ng covid,” aniya.

“The third reason po is, kasi by law, and Mr. President alam na alam ito ni Senator JV, ‘yung premium contributions were already set so even if we had a lot of funds in place po, tuloy-tuloy pa rin ang pagkokolekta ng premium contributions,” dagdag ni Ledesma.

Ibinida din ni Ledesma na nagkaroon ng ilang adjustment sa kanyang liderato partikular na itinaas ang coverage rates sa 30 porsiyento nitong Pebrerpo 2024 at itinaas din ang pagbabayad sa pagamutan.

Sa Disyembre, aniya, ipapatupad din ng PhilHealth and pagtaas ng 30% tungo sa 50% ng coverage rates.

“I’d like to think medyo nagiging aggressive po kami and we are not gonna stop there,” ayon kay Ledesma. “Parang huwag namang sabihin na wala po kaming ginagawa.”

Sinabi ni Ejercito na masarap mapakinggan ang pagtaas ng coverage rates pero hindi ito nararamdaman ng masa.

“Kung sinasabi niyong madaming nang accomplishment ang PhilHealth, ang tanong ko lang simple, bakit hindi nararamdaman ng tao at mga pasyente ito?” ayon kay Ejercito.

“Oo nagkaroon ng improvement sa out of pocket expense pero kakapiranggot,” dagdag ng senador. “This will hardly make a dent doon sa kanila pong babayarin.”

Kinastigo din ng ilang senador sa kayabangan niton hinggil sa adjustment na ginawa sa PhilHealth kaya pinagsabihan ito ni Senador Sherwin Gatchalian na irespeto ang pagtatanong mambabatas.

“May I remind the President of PhilHealth, the resource person to please answer the question with respect and also to temper his voice. Because Senator JV has been very fair in his questioning and may I remind the resource person to answer the questions directly without any insinuation of disrespect,”ayon kay Gatchalian\

“I felt offended and some senators as well with the way Manny Ledesma answered questions. May pagka presko! Bordering on bastos,” giit naman ni Ejercito. Ernie Reyes