Home NATIONWIDE Pinas naghain ng diplomatic protest laban sa China-declared baselines sa Scarborough

Pinas naghain ng diplomatic protest laban sa China-declared baselines sa Scarborough

MANILA, Philippines – PORMAL na binasura ng gobyerno ng Pilipinas ang Chinese-declared “baselines and base points” sa paligid ng Bajo de Masinloc (BDM o Scarborough Shoal).

Ito ang pinakabagong pagpipilit ng Beijing para palakasin ang “illegal seizure” nito sa nasabing ‘feature’ na matatagpuan sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Sinabi ni Spokesperson Ma. Teresita Daza, naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest noong Nov. 12.

Sa isang kalatas, sinabi ng National Maritime Council (NMC) na ang baselines ay “drawn in violation of the Philippines’ long-established sovereignty over the shoal throughout history” at hindi na-meet ang criteria na nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“The establishment of the baselines by China around the shoal is a continuation of its 2012 illegal seizure of the shoal, which the Philippines continues to strongly oppose,” ayon sa NMC.

Sinabi ng NMC na magagamit lamang ang straight baselines alinsunod sa ‘criteria at conditions’ na hinihingi sa UNCLOS, base sa paliwanag sa 2016 Arbitral Award.

“These conditions are not present in the case of BDM. Thus, the straight baselines established by China around the shoal are without any legal basis or effect,”ang sinabi pa rin ng NMC.

“The Philippines strongly objects to the use of these baselines by China and resolutely maintains its right to declare the correct baselines of BDM,” anito pa rin.

Muli namang inulit ng NMC na ito’y “always had sovereignty and jurisdiction” sa Scarborough Shoal, at ang maritime zones nito ay alinsunod sa international law at hindi bumabangga sa soberanya o hurisdiksyon ng ibang estado.

Sa ulat, matapos pirmahan ni PBBM ang Maritime Zones Act, wala pang isang linggo ay nag-anunsyo ang Chinese government ng sarili nitong ‘baselines at corresponding base points’ sa paligid ng Scarborough Shoal noong Nov. 10.

Sinabi ng Chinese Foreign Ministry na ang kanilang deklarasyon ay “lawfully strengthen” ang kanilang “marine management” sa naturang lugar.

Iginiit ng Tsina ang kanilang soberanya sa Scarborough Shoal, na tinawag nitong Huangyan Dao o Huangyan Island. Kris Jose