Home NATIONWIDE ‘Timely announcement’ ng gov’t work, class suspension, pangako ng DILG

‘Timely announcement’ ng gov’t work, class suspension, pangako ng DILG

MANILA, Philippines – NANGAKO ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng maagang anunsyo ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at mga klase isang araw bago pa ang pagdating ng bagyo.

Pinahintulutan kasi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang departamento na ianunsyo ang suspensyon sa mga pagkakataon na may masungit at masamang panahon.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na noong siya ay Cavite governor ay ginagawa na niya ang pag-anunsyo ng suspensyon ng trabaho at klase isang araw bago pa dumating ang bagyo.

“When I was governor of Cavite, I was always a day ahead,” ang sinabi ni Remulla.

Aniya pa, gagamitin ang data mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at maging ang US’ Joint Typhoon Warning Center (JTWC), Windy.app, at Japan Meteorological Agency para gumawa ng “forecast model” na siyang magiging basehan para sa pag-anunsyo ng suspensyon. RNT