Home OPINION PHILHEALTH CIRCULAR NO. 2025-0017: GABAY SA YAKAP PROVIDERS PARA IWAS-VIOLATION

PHILHEALTH CIRCULAR NO. 2025-0017: GABAY SA YAKAP PROVIDERS PARA IWAS-VIOLATION

125
0

LUNGSOD NG PASIG – Binigyang-diin ng Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa PhilHealth Circular No. 2025-0017. Ito ang nagsisilbing opisyal na “manual” para sa Selection at Empanelment ng mga YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) Providers upang masiguro ang tuloy-tuloy na daloy ng pondo at serbisyo.

Sa kasalukuyan, maraming accredited providers ang naha­harap sa mga “technical violations” dahil sa kakulangan ng ka­alaman sa bagong sistema.

Ang Circular na ito ay hindi lamang tungkol sa simpleng pagrerehistro; ito ay isang pananagutan ng provider sa pondo ng bayan at sa kalusugan ng bawat pasyente.

Mahigpit na Pagpapatupad ng Teknolohiya Sa ilalim ng na­­sabing circular, bawat provi­der ay obligadong gumamit ng PhilHealth-certified Electronic Health Record (EHR) system. “Ang hindi pag-upload ng data sa tamang oras at ang patuloy na paggamit ng manual records ay itinuturing na malinaw na paglabag sa kasunduan,” babala ng ahensya. Kasama rin dito ang pagpapatupad ng “Liveness Check” gamit ang PhilHealth Check Utility (PCU) upang matiyak na ang benepisyo ay napupunta sa totoong miyembro at hindi sa biktima ng identity theft.

Pinaalalahanan din ang mga providers na ang empanelment ay dapat gawin sa mga fixed at permanenteng klinika. Batay sa Advisory 2026-0023, ang mga mobile units at telemedicine ay ma­aari lamang magsilbing supplemental o suportang serbisyo. Hindi maaaring gawing pangunahing basehan ng empanelment ang mga ito.

Ang Mahalagang Papel ng First Patient Encounter (FPE)

Layunin ng programa na ma­ging proactive ang mga klinika. Sa pamamagitan ng First Patient Encounter (FPE), dapat ma- profile nang maaga ang mga mi­yembro. Ang mga providers na mabibigong mag-profile ay hin­di makakatanggap ng kanilang buong capitation fund o ang front-load funding na kailangan para sa operasyon ng klinika.

Bago mag-submit ng claim para sa capitation, dapat ding siguruhin na ang miyembro ay opisyal na naka-assign sa inyong pasilidad. Pinapayuhan ang la­hat ng YAKAP providers na re­gular na bisitahin ang opisyal na portal ng PhilHealth at sumali sa mga Viber Community para manati­ling updated at maiwasan ang anomang parusa o suspensyon ng akreditasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here