Home OPINION PHILHEALTH MEMBER PORTAL, NASA eGOVPH MOBILE APP NA

PHILHEALTH MEMBER PORTAL, NASA eGOVPH MOBILE APP NA

188
0

NAG-ANUNSYO kamakailan ang Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) at Philippine Health Insurance Corporation (Phi­lHealth) na maaari nang na ma-­access ng lahat ng miyembro sa kanilang member’s data record dahil nakasama na ang PhilHealth Member Portal sa eGovPH mobile app. Kaya siguradong mas mabilis at ligtas na ang pagkakaroon ng access ng publiko sa iba’t ibang serbisyo ng PhilHealth kailan man at saanman sa mundo.

Sa eGovPH mobile app, hindi na mahihirapan ang mga pasyenteng na-admit sa ospital. Sa pamamagitan ng kanilang mobile phone, maaari nang makita ng miyembro ng PhilHealth ang kanyang membership record, benepisyaryo, bilang ng kontribusyon at benefit availment history. Maaari ring makita ang listahan at magparehistro sa napiling Konsulta Package Pro­vider.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John E. Uy,  alinsunod ito sa Ease of Doing Business Act at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang State of the Nation Address na pabilisin ang digitalization efforts ng gobyerno para sa mas pinagbuting serbisyo publiko.

Pinasalamatan naman ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. ang DICT at sinabing ang “transformative endeavor” na ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalaganap ng digitalization. Ang direktibang ito ay gabay upang mas pagbutihin ang serbisyo ng PhilHealth sa mga miyembro nito. “Ngayon, sa ilang click lang ay may kapasidad na ang mga miyembro na makagamit ng serbisyo nang walang kahirap-hirap,” ayon kay Ledesma.

Upang magamit ang PhilHealth Member Portal, kinakai­langang mag-download ng eGovPH app, mag-sign up hanggang sa ma-verify ang account. Kung verified na ang account, maaari nang mag-log-in sa eGovPH app anomang oras gamit ang kani­lang mobile number.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here