Home OPINION PHILHEALTH, PCS, NAGSANIB-PWERSA PARA SA DE-KALIDAD, MURANG SURGICAL CARE SA BANSA

PHILHEALTH, PCS, NAGSANIB-PWERSA PARA SA DE-KALIDAD, MURANG SURGICAL CARE SA BANSA

94
0

PASIG CITY — Pinagtibay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine College of Surgeons (PCS) ang isang makasaysayang kasunduan noong Abril 17, 2026, na naglalayong mas mapabuti at mapalawak ang serbisyong pang-ope­rasyon para sa lahat ng Pilipino.

Sa ilalim ng nilagdaang Me­morandum of Agreement (MOA), magtutulungan ang dalawang ins­titusyon sa pagbuo ng mas pinalakas na surgical benefit packages, referral networks, at mga pamantayan sa kalidad ng serbisyo. Ito ay susuportahan ng masusing pananaliksik at geographic mapping upang matukoy ang mga lugar sa bansa na nangangailangan ng higit na aten­syong medikal pagdating sa operasyon.

Pinangunahan nina PhilHealth President at CEO Dr. Edwin M. Mercado at PCS President Dr. Joselito M. Mendoza ang seremonya ng paglagda.

“Ang mga eksperto sa ope­rasyon ay isa sa aming pinakamahalagang katuwang sa pag­tupad ng pangako ng Universal Health Care. Sa pamamagitan ng ka­sunduang ito, katuwang namin ang PCS sa pagbuo ng mga sis­temang maglalapit ng de-kalidad na surgical care sa bawat Pilipino,” pahayag ni Dr. Mercado.

Disiplina at Etika sa Serbisyo

Bukod sa pagpapabuti ng mga benepisyo, titiyakin din ng PCS na ang lahat ng kanilang miyembrong siruhano ay susunod sa mga polisiya ng PhilHealth. Kasama sa kasunduan ang pag­hihigpit laban sa pandaraya o fraud detection at ang pagsasagawa ng ethical claims review.

Magkakaroon din ng magkatuwang na mekanismo ang dala­wang panig upang mabilis na maresolba ang mga reklamo at usapin hinggil sa surgical claims.

Ibabahagi rin ng PCS sa PhilHealth ang mga pinakabagong best practices sa larangan ng operasyon upang matiyak na la­ging “up-to-date” ang serbisyong natatanggap ng mga miyembro.
Mandato ng Universal Health Care

Ang pagtitipun-tipon na ito ay bahagi ng mandato ng Universal Health Care (UHC) na layu­ning siguraduhin na ang lahat ng Pilipino ay may akses sa mga serbisyong pang-operasyon na ligtas, patas ang pagkakabahagi, at may pinakamataas na antas ng kalidad.

Tinitiyak ng partnership na ito na kahit saan ka mang sulok ng Pilipinas, dapat ay may makuha kang serbisyong pang-ope­rasyon na ligtas, de-kalidad, at abot-kaya.

Para sa mga karagdagang ka­tanungan, maaaring tumawag sa 24/7 hotline ng PhilHealth sa (02) 8662-2588 o mag-text sa ka­nilang mga mobile numbers:

* Smart: 0998-857-2957/ 0968-865-4670

* Globe: 0917-1275­987/ 0917-1109812

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here