Home ENTERTAINMENT Pia, na-bash sa pusa, ginaya raw si Heart!

Pia, na-bash sa pusa, ginaya raw si Heart!

Manila, Philippines – Pati ang pagkakaroon din ng pet cat ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay binash din ng mga netizens.

Obyus na maka-Heart Evangelista ang mga haters ni Pia na hindi matanggap that like anyone else, walang “exclusivity” pagdating sa pagkupkop ng alagang hayop.

Finlex nga ni Pia ang picture nila ng kanyang alaga: “Cat pics coming through…reunited with Tiny!”

Isang netizen ang biglang nag-react.

“Mahilig ka rin sa pet cats? Ano pa ang gusto mong gayahin?” na obyus namang may reference kay Heart.

To the rescue naman ang isang maka-Pia.

Anito, si Heart lang ba ang may karapatang mag-alaga ng mga hayop?

In the process, nasundan ‘yon ng umaatikabong sagutan ng magkabilang panig.

Kung lilimiin, nagsimula lang naman ang “friction” sa pagitan nina Heart at Pia nang lumipat sa huli ang glam team ng misis ni Senator Chiz Escudero.

Nag-spill over ang isyu ss dalawa hanggang sa pag-attend ng mga fashion week abroad.

Kung tutuusin, as far as these two women are concerned, they don’t have a bone to pick with each other.

In short, it’s their respective fans who are after each other’s necks!

Paano pa kaya kung may alaga ring aso si Pia at maisipan ding i-post ang larawan nila?

Isa na namang social media war ang tiyak na nagbabadya! Ronnie Carrasco III

Previous articlePH-US-Japan summit sa White House kasado sa Abril
Next articleArrest order vs Quiboloy inilabas na ng Senado