Manila, Philippines — Marami ang na-excite sa ipinost ni Cannes Best Director Brillante Mendoza sa kanyang Facebook account na larawan niya kasama ang Batangas Governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos at si Coco Martin.
At sa caption ay may nakalagay na: “#filmmaking.”
Mabilis na naglaro tuloy sa isipan ng netizens na ang next movie project ni Direk Brillante ay pagbibidahan nina Vilma at Coco.
Dahil isa rin kami sa ‘di mapakali, nag-private message kami kay Direk Brillante para batiin din siya.
Sabi namin kay Direk Brillante, napa-oo rin niya sa wakas si Gov. Vi sa isang proyekto niya. Matagal na kasing gustong gumawa ni Direk Brillante ng pelikula kasama si Gov. Vi, pero either hindi sila magkasundo sa proyekto o may problema sa schedule.
Pero ayon sa award-winning international director, matagal na raw ang picture nila nina Gov. Vi at Coco.
Nakunan daw ang picture na ‘yon noong nag-lunch sila at nag-usap tungkol sa possible project in the future.
May nabanggit sa amin na concept noon si Direk Brillante para sa isang project na inalok niya kay Gov. Vi.
We asked Direk Brillante kung ito ba ang gagawin niyang project with the actress.
At ang sabi niya sa amin, “Hinde, kase nasa politics na cya (siya) ulit.”
Sabi pa ni Direk Brillante sa amin, matagal pa raw bago matuloy ang Vi-Coco project dahil parehong napaka-busy ng schedule nila.