MANILA, Philippines – Sinuspinde ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pagpapatupad ng bagong guidelines sa mga papaalis na biyahero.
Sa isang kalatas sinabi ng Department of Justice (DoJ) na kinakailangan pa na linawin sa mga senador at sa publiko ang mga isyu na nakapaloob sa revised guidelines.
Ipinatigil ni Remulla sa Inter-Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) ang pagpapatupad ng revised Departure Protocols at magkaroon muna ng public consultation.
Kinikilala ng DOJ ang mahalagang papel ng mga senador bilang kinatawan ng mamamayan at dapat sila makinig.
Iginiit ng DoJ na ang pangunahing layunin ng revised guidelines ay upang i-streamline ang departure procedures at matiyak ang mabisang proseso para sa lahat ng biyahero.
Nilinaw ng DoJ na ang pansamantalang hinfi pagpapatupad ng revised guidelines on departure formalities ay hindi makakaapekto sa mga ipinaiiral na batas at regulasyon sa travel at immigration procedures.
Magugunita na inaprubahan noong Aug 23 ng IACAT ang revised guidelines sa mga international-bound Filipino travelers bilang bahagi ng kampanya upang masugpo ang problema sa human trafficking. Teresa Tavares