Home OPINION ‘YANG PAGSIRIT NG PRODUKTONG PETROLYO

‘YANG PAGSIRIT NG PRODUKTONG PETROLYO

385
0

RAMDAM na naman ng sambayanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa ‘Pinas kung saan umaangat na rin ang taripa ng pangunahing bilihin na inaarayan naman ng ordinaryong mamamayang hindi na nga sapat sa pang araw-araw na gastusin ang kakarampot na kinikita.

Kakayanin pa ba ni Juan Dela Cruz ang ika-anim na linggong pagsirit ng presyo ng krudo’t gasolinang agarang naaapektuhan ang presyo ng karne,gulay,bigas at iba pang mas lalo pang ibinabagsak ang dati nang lugmok na kalagayan ng nakararaming kababayang kinabibilangan ng isang kahig at isang tuka?

At inaasahang tatagal pa ng dalawang buwan o hanggang matapos ang taong ito ang walang puknat na pagtaas ng presyo ng langis ayon sa mga ekonomistang ang dahilan daw ay ang pagtabas ng produksyon nito ng Saudi Arabia na isa sa pinakamalaking supplier sa pandaigdigang merkado.

Kaya naman kahit anong gawin ngayon ng kasalukuyang administrasyon na ibaba ang presyo ng pangunahing bilihin tulad ng bigas at iba pa upang kahit paano ay maibsan ang nararanasang paghihirap ng taumbayan at maitawid ang mga pamilya nito sa gutom,gapos ang mga kamay nito bunsod sa animo’y bombang sumasabog na apektado ang lahat ng sektor lalo na ang mahihirap kapag hindi na maawat ang presyo ng krudo’t gasolina.

Ano nga ba ang magagawa ng isang bansa tulad ng ‘Pinas na naka depende sa importasyon ng langis ang konsumo ng nasasakupan kaya naman ramdam kaagad nito ang anomang pagsirit ng presyong dinidiktahan ng mga producer nito sa Middle East.

Bagaman malaking tulong ang programa ngayon ni PBBM na pagpapalakas ng Agrikultura na sadyang solusyon naman upang ibaba ang taripa ng isda,karne at gulay subalit hindi rin maisasantabi na lahat ng magsasaka’t mangingisda ay gumagamit pa rin ng langis kaya naman apektado pa rin ang ibinababang produkto sa mga merkado.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here