MANILA, Philippines – Naitala ng Commission on Elections (Comelec) ang pinakamataas na voter turnout para sa midterm elections sa kasaysayan ng Pilipinas sa 82.20%.
Sinabi ng Comelec nitong Biyernes, Mayo 16, na ang numero ay opisyal at pinal na voter turnout base sa final canvas report ng National Board of Canvassers (NBOC) kabilang ang local absentee voting at registeres overseas voting.
Ito ay kumakatawan sa 57,350,968 sa 69,673,653 rehistradong botante.
Sinabi ng poll body na pumapangalawa ang turnout na ito pagkatapos ng 84.10% voter turnout sa 2022 national at local elections kung saan mahigit 55 milyong botante mula sa 65 milyong rehistradong botante ang bumoto.
Unang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia noong Huwebes na ang kabuuang numero ng boto para sa May 2025 elections ay 81.65% na kumakatawan sa 55,874,700 na boto.
Tinapos ng NBOC ang canvassing sa lahat ng ertifactes of canvass (COCs) mula sa 64 Philippine posts abroad, 110 probinsya, lungsod, munisipalidad at districts sa bansa, at isa mula sa local absentee voting sa tatlong araw mula May 13-15.
Ito na ang pinakamabilis na canvassing sa kasaysayan ng Comelec.
Ang COCs ay ang pinal at opisyal na bilang ng mga boto para sa senatorial at partylist race.
Ngayong araw, ipoproklama naman ang nanalong 12 senatorial candidates sa Manila Hotel Tent City. Jocelyn Tabangcura-Domenden